Chapter 15

1669 Words
Ethan’s POV I was so furious standing at the front of Mr. Sandoval’s working table. Gusto ko siyang durugin kong pupuwede lang. How come a father became so cruel and selfish to her own daughter. Siya ang totoong walang puso at hindi dapat nagkaroon ng masayang pamilya. He is a monster! “P-pardon me? What did you say?” mariin kong tanong sa kaniya. Tinanggal niya ang eyeglasses niya at tiningala ako. “Mr. Treveno, if you want my blessing for asking my daughter hands, gusto ko ng isang kondisyon?” Napabuga ako nang malalim na hininga nang wala sa oras. Gusto ko siyang intindihin at huwag patulan ang mga sinabi niya. Ngunit mas nadedemonyo ako kapag nakikita ko ang an’yo niya ngayon. “Paano mo naaatiman na ipagpalit sa salapi ang nag-iisa mong anak? Hindi matutuwa si Endiyah kapag nalaman niya ito. You’re a selfish father!” “Gusto mong pakasalan ang anak ko ‘di ba? Kapalit ng milyon na hinihingi ko ay bibigyan ko kayo ng basbas para magpakasal.” Parang gusto kong kalimutan ang sinasabing respito. Hindi dapat nererespito ang katulad niya. “Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa bibig mo Mr. Sandoval.” Umiling ako bago nagpatuloy, “Anong gagawin mo kapag lampastangin ko na lang ang iyong anak at hindi ibigay sa kaniya ang nararapat na kasal?” nagagalit ang mga panga kong sabi sa kaniya. Napatayo siya mula sa swivel chair niya at dinuro ako. “Don’t you ever do that to my daughter!” Banta niya sa akin. “I will never allow you to do that!” dagdag niyang sabi sa akin. Hinampas ko ang ibabaw ng working table niya kaya napaigtad ito. “Mind this Mr Sandoval. From now on, Endiyah is mine.” Pumikit ako bago nagpatuloy, “I will transfer the money you want in your bank account. Tapos na tayo.” Hindi ko na siya pinasagot pa. Malalaking hakbang na nilisan ko ang opisina niya. He needs money, I know that. He could asked me, hindi sa ganitong paraan. Nagagalit ako na palagi niyang ginagamit si Endiyah para sa mga gawain niyang hindi marangal at makatarungan. Nakakunot ang noo ni Francis habang nakatingin sa akin. Hindi siya nagtanong bagkus ay pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan. “Sa Penthouse tayo Francis,” sabi ko sa kaniya. “Copy Sir,” sagot niya. Pinaandar niya ang sasakyan at tahimik kaming umalis sa mansyon ng mga Sandoval. Seryoso sa pagmamaneho si Francis nang bigla akong magsalita. “Mag-transfer ka ng 10 million sa account ni Mr. Sandoval. Doon mo bawasin sa savings ko. Don’t let father finds out.” Tumango siya sa akin kahit hindi ito makapaniwala. Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng Treveno’s building. Malalaki ang hakbang kong pumasok sa loob. Nakasalubong ko si Grace sa may Elevator. “Mr. President,” bati niya sa akin. Huminto ako at tiningnan siya. “Nasa taas ba si Sophie?” tanong ko. Alam kong alam niya kung anong mayroon kami ni Sophie. “Yes Mr. President, nasa penthouse ninyo po.” “Thank you.” Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling umakyat sa penthouse ko. This was my second penthouse at sa loob mismo ng Treveno’s building. Iyong isa naman ay bihira lang akong pumunta. Simula nang bumalik si Endiyah ay hindi ko na iyon sinilip pa. I enter my code. Bumukas ang pinto at nagderetso ako sa loob ng kuwarto. There, I found Sophie wearing my bathrobe. Ngumiti siya sa akin. I couldn’t look at her anymore. Napapikit ako. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. “You look exhausted?” tanong niya. She use her innocent voice. What the f**k Sophie? Tinaggal ko ang kamay niyang nakalapat sa pisngi ko. Bahagya pa siyang nagulat dahil doon. I never refuse her…nor avoid her. I never do that! But thinking of my Endiyah Rose who is waiting for me at the house, oh man! Ayaw ko nang magkamali! Ayaw ko na! “I’m tired Sophie. You can leave.” Mababaw ang boses kong sabi sa kaniya. Lumukot ang mukha niya. “You never come to see me?” anas niya. “Busy ako,” sagot ko. Totoo? Busy ako sa pagbibigay ng atensiyon sa nag-iisang Endiyah Rose ko. “Dahil ba sa kaniya?” tanong niya. Napatingin ako sa kaniya. Nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya. Pumikit ako at hinilot ang noo. “Look…Sophie,” sabi ko. Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. “We’re clear since the beginning right? Wala akong pagmamahal na kayang ibigay sa’yo. You’re free to leave me as you want.” Bumuntong hininga siya. “Sige aalis muna ako.” She tiptoed and kissed me on my lips. Tahimik siyang nagbihis bago lumabas ng penthouse ko. Napahilamos ako ng mukha. Nagpatong-patong na yata ang mga problema ko. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha doon ng beer. Binuksan ko iyon at naglakad palabas sa balkunahe. Habang tahimik akong umiinom ay hindi ko naiwasan na muling sumanggi sa isipan ko ang isang bangungot nang nakaraan. “Love. I love you! I love you so much! Ikamamatay ko kapag umalis ka!” sabi ko kay Endiyah. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mababaw na hinalikan ang buong mukha niya. Pagkatapos ko siyang akyatin mula sa bintana ay agad ko siyang niyakap at pinapak ng halik. Ayaw kong magkahiwalay kami. Ayaw ko. Hindi ko kakayanin iyon. Idinikit ko ang noo sa may noo niya. “When you going to tell me?” tanong ko. Ipinikit ko ang mga mata. “Ethan,” sabi niya. Hinawakan niya ako sa braso. Idinilat ko ang mga mata at hinanap ang mata niya. “Hindi ka aalis, hindi mo ako iiwan ‘di ba?” My lips were shaking! Hinaplos ko ang pisngi niya. “Ano bang pinagsasabi mo ha?” Tanong niya sa akin. Hindi pa ba niya alam kong bakit ako nagkakaganito. “You drop out the school because you want to study abroad. Why your mind suddenly change Love? Akala ko ba hindi mo pinangarap na mag-aral sa abroad. Gusto mo ay magkasama tayo. Build our career together.” Tinitigan ko siya sa mga mata. Bumulong ang luha niya. Nag-panic ako bigla. “Love, what happened? W-why are you crying?” Kinakabahan kong tanong. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya. I can’t stand seing her crying. Pinunasan ko ang mga luha niya. Tumingin siya sa mga mata ko. Why she looks really sad…the way she looked at me. “Dad finds out that I’m dating you. You know…he never like that I’m having boyfriend.” Kumawala ang mahinang hikbi sa kaniya na alam kong kanina pa niya pinipigilan. “Haharapin ko ang Daddy mo. Magpapakilala ako sa kaniya. Ipapakita kong wala akong intensyong masama sa’yo,” mahina kong sabi sa kaniya. Umiling siya. “He will never accept you,” sagot niya sa akin. Bumulong ulit ang luha sa mga mata. “So, please Ethan, leave.” Tumawa ako ng pagak. Umiling ako ng ilang beses habang nakatitig sa kaniya. “Don’t do this to me. Hindi ko kaya Endiyah. H-hindi k-ko kaya na malayo ka sa akin.” My voice cracked. Nag-init ang paligid ng mga mata ko. Nilapit ko sa kaniya ulit ang mukha at siniil siya ng halik. Habang mapusok ko siyang hinahalikan sa labi ay biglang bumukas ang pinto. Pareho kaming napalingon doon ni Endiyah. Namimilog ang mga mata naming dalawa habang hindi malaman kung paano haharapin ang nanlilinsik na mga mata ni Mr. Franco Sandoval. His jaws was clenched. His eyes were furious looking at me. He’s like burning me by his scary stare. Hindi ako kinabahan o natakot. Haharapin ko siya at sasabihing tutol ako sa pag-aaral ni Endiyah sa ibang bansa. “How dare you trespassing my territory young man! How can you get in while my luxury house was full of CCTV?” Nagagalit niyang tanong. Nanginginig ang kamay ni Endiyah habang hawak-hawak ko iyon. Bahagya kong pinisil at ipinahiwatig na huwag siyang matakot. “I love your daughter, Sir.” Buong tapang kong deklara. “Hindi ako papayag na magkahiwalay kami.” Dagdag ko pa. Hinila ni Endiyah ang kamay ngunit hindi ko iyon binitawan. “Ano bang kaya mong ibigay sa anak ko binata? You’re still a f*****g college student? Who are you to tell me that? Hindi ka bagay sa anak ko, kaya layuan mo na siya!” Madiin ang bawat bigkas niya sa kaniyang salita. “Mahal ko siya! Pag-ibig ang pinakamalaking bagay na maibibigay ko sa kaniya Sir,” sagot ko. Hindi siya kumibo. Hinila ulit ni Endiyah ang kamay niya. “E-ethan?” Nauutal niyang tawag sa pangalan ko. Binalingan ko siya pero hindi ko siya pinansin. Biglang may tinawag na pangalan ang Daddy ni Endiyah. Hindi nagtagal ay may pumasok na apat na lalaki. Mukhang mga tauhan niya ito dahil sa uri ng kanilang mga galaw. “Tapusin ninyo ‘yang binatang ‘yan. Pagkatapos ay itapon ninyo sa dagat!” Nagagalit niyang utos sa mga tauhan. Kinabahan ako dahil mag-isa lang ako. Baka nga umalis na sina Logan at Rio dahil alam nilang nakapasok na ako. “Dad!” Gulat na tawag ni Endiyah sa ama. “Don’t meddle in my plan Endiyah Rose!” Asik niya sa anak. Kumawala sa kamay ko si Endiyah at nilapitan ang ama. Humawak siya sa braso nito at nakiusap. “P-please Dad, let him go. P-please..” Wala na akong nagawa nang damputin ako ng apat na tauhan nila at pinipilit ilabas. Naririnig kong sinisigaw ni Endiyah ang pangalan ko pero hindi niya ako nalapitan dahil sinangga siya ng Dad niya. Wala na rin akong kaluluwa sa mga oras na ito. Ni hindi ko naramdaman kong anong ginawa sa akin ng mga tauhan ni Mr. Sandoval. Basta na lang akong nagising sa hospital na may puting benda ang buo kong katawan. I was tortured physically with his men’s. “You’ll pay for this.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD