Endiyah Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magkita kami ni Ethan noon sa Feorenza's company. Iyong nakakatakot niyang mga titig sa amin ni Zurin ay mapaghanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin. Ano na naman kaya ang pinaplano niya at naging tahimik. Minsan nakakakaba sa tuwing ganiyan si Ethan. Ipinilig ko ang ulo. "Ang negative minded mo Endiyah. Magtrabaho kana nga," bulong ko sa sarili ko. Tahimik kong tinapos ang ginagawa ko sa computer para makauwi na. Naghihintay na ang anak ko sa akin dahil nagpapabili iyon ng ice cream. Pagsapit ng alas singko ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Nasa labas na ako ng hilain ako sa siko ni Jeniffer. Kumunot ang noo kong binalingan siya. Hinila pa niya ako sa may gilid. "Ma'am Endiyah, may sasabihin ako," mahina siyang sabi. Dinaig pa

