Endiyah Dinalaw kami ng buong pamilya ni Ethan kinabukasan. Sila Rio ay kasama na rin kaya naman napuno ng mga tili at halakhak ang buong kabahayan nang magsimulang maghabulan ang mga bata sa loob. Naiilang pa rin sa akin si Nathalia pero pinaparamdam ko sa kaniya na hindi dapat siya makaramdam roon dahil pamilya na kami. Tapos na ang lahat at hindi na namin iyon puwedeng balikan pa. Ang tanging napapansin ko lang ay ang mga matatalim na paningin ni Mama Laila sa kaniya. Napapailing na lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila magkasundo. "Excited na si Kuya sa kabuwanan mo Endiyah. Buti hindi ka nasasakal sa kaniya, lalo na't nagpipirme siya dito." Nakangiting sabi ni Rio sa akin. Gusto ko pa nga na narito siya palagi sa bahay. Alam kong nagbibiro si Rio kaya tinawanan ko lang i

