Chapter 20 - Zoey's POV - Lumipas ang ilang mga buwan at natapos na ang buong taon. Ang gusto ng principal na magbitaw ako sa pwesto ko ay hindi ko ginawa dahil ayoko namang talagang magbitaw sa pwesto ko. Meron kaming two months vacation ngayon. Dahil wala akong magawa ay naiisipan kong pumuntanalng ng mall. Pupunta kasi kami sa resort sa susunod na araw at parang gusto ko na ding pumunta doon. Tahimik lang akong naglalakad papasok sa mall ng may bigla akong mabangga. Sa lakas ay parang tumilapon ako at buti nalang ay may nakapitan ako sa gilid dahil kung hindi, natumba na ako. Nang tignan ko kung sino iyon, walang iba lang naman kung hindi si Javier. "Zoey? I'm sorry. Ayos ka lang?" Tanong nya tapos nilapitan ako para alalayan. Ngumiti9 ako sa kanya at tumango. "Ok lang ako. M

