Chapter 24 - Zoey's POV - Kinabukasan ay agad-agad ding nag-eleksyon. Busy ngyon ang mga tao dahil kanya-kanya sila ng buto ngayong year. Ako naman ay chill lang kasi kahit hindi naman ako ang manalo, hindi ko naman kawalan. Lumipas pa ulit ang isang araw ay lumabas na ang resulta ng butohan. At nanalong sa aming dalawa ay si Lexi. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sya ng nanalo dahil hindi ko an kailangang magpakahirap dito araw-araw. Naging maayos naman ang buong araw ko noon. Marami ang nanghihinayang dahil hindi ako nanalo. Ako din ay medyo nanghinayang dahil marami ang bumuto sa akin pero hindi parin ako nanalo. Makalipas ang ilang araw ay may biglang nangyari. Papasok na sana ako ng classroom ng biglang ipatawag ako sa office ng council. Hindi ko alam kung bakit pe

