Aligaga at hindi mapakali ang mama ni Samson habang nakaabang sa labas ng operating room. Sobra ang saya na nararamdaman niya ng marinig ang magandang balita na may magdo-donate ng puso sa anak niya. Hindi niya pa man alam kung sino pero nagpapasalamat na siya rito kung sino man ito. Hindi na nila kailangan pang magproblema kung saan pa hahanap ng puso na ipapalit sa puso ng anak niya. Malaki ang pasasalamat ng mama ni Samson sa taong nagligtas sa anak niya. Ilang oras ang lumipas ng lumabas na ang doktor at nakangiting sumalubong sa kanila. "The operation was successful. He's stable now." Isang magandang balita ang nagpalundag sa sobrang tuwa ng mama ni Samson. "Can we know who's the donor?" Maya-maya ay tanong ng mama ni Samson sa doktor. "I would like to tell you, madame, but the p

