Biglang namiss ni Rania ang kapatid kaya tinawagan niya ito. Mag-iisang buwan ng hindi niya ito nakakausap. Ano kaya ang pinahkakaabalahan ng kapatid niya at wala itong oras para kausapin at kamustahin siya. Nakailang tawag na si Rania ngunit hindi sumasagot ang kapatid. Kaya sinubukan ni Rania tawagan si Daffney at nagbabakasakaling hindi ito busy. Nakadalawang ring muna si Rania bago sinagot ni Daffney ang tawag. "Rania." Pagsagot ni Daffney. "Are you busy ate? Nakakaistorbo ba ako sa'yo?" Tanong ni Rania sa kasintahan ng kapatid na hakata ang tamlay sa boses. "Hindi naman Rania. Kamusta kana dyan?" "Maayos naman ate. Si kuya po ba nandyan? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan di niya naman sinasagot." Pagbibigay alam ni Rania. Miss na miss na kasi talaga niya ang kapatid kaya hinaha

