Nang makarating kay Rania ang balita na naospital si Samson ay wala siyang sinayang na oras para punatahan ito. Hindi na rin siya nagpaalam sa mga tao sa mansyon nila. Basta nalang siyang kumaripas ng alis at nagmadaling pumunta sa ospital kung saan nakaconfine ang asawa. Walang ibang tumatakbo sa isipan ni Rania kundi ang kalagayan lang ng asawa. Kung kamusta na ba ito at kung maayos lang ba ang kalusugan nito. Alam niyang nandoon ang mama ni Samson at tinitiyak niyang siya na naman ang sisisihin nito sa nangyari. Pero handa na si Rania sa bagay na iyon. She's ready to face her wrath just to see her husband and to know if he's okay. Iyon lang naman ang point ng pagpunta niya doon. Handa niyang tanggapin lahat ng masasakit na salita na bibitawan ng biyenan. Pagkarating sa ospital ay tin

