Hinintay ni Samson na magising ang asawa. Ilang oras na itong natutulog. Nakaalis na rin ang tinawag nilang doktor kanina para suriin ang asawa niya. Nagngingitngit ang kalooban ni Samson sa lahat ng kaniyang nalaman. Mas nadagdagan pa iyon ng may sinabi sa kanila ang doktor kanina. Habang iniisip ni Samson ang ideya na posibleng lumala ang kalagayan ng asawa niya ay napupuno ng galit ang puso niya. Gusto niyang huntingin na ngayon ang taong may kasalanan sa nangyayari sa asawa niya ngunit ayaw niya naman itong iwan. Gusto niya pag nagising ito. Siya ang una nitong makikita. That she will know he stayed by her side. Sinisisi rin ni Samson ang sarili niya sa mga nangyari. Kung hindi siguro siya umalis at iniwan si Rania hindi mangyayari sa asawa ang nangyari. She wouldn't go through tha

