Chapter 20 : COLD AS ICE

1035 Words
Caleigh's p.o.v kinabahan ako nang maramdaman ko yong bumibilis.. " neo , anong nangyayari sayo? " nag aalala kong tanong sakanya.. napabuntong hininga lang sya habang ako ay sobra nang nag aalala sakanya , kasi hindi normal yung ganong t***k nang puso e.. h-hindi naman talaga sya normal kasi hindi sya tao.. pero bakit may kung anong tumitibok dito? nakita ko syang namumutla na kaya naman hinawakan ko yung leeg nya at sobrang lamig non.. " n-neo.. " " a-anong n-nangyayari sayo? " nag aalala kong tanong sakanya pero hindi parin sya sumasagot at nanatili lang syang nakatingin sakin habang napapansin kong mas lalo syang namumutla.. napatingin ako sa daan at ilang hakbang nalang ay malapit na kami sa bahay.. tinignan ko sya ulit at nakita kong parang ipinipikit na nya yung mata nya unti unti.. pinakalma ko muna yung sarili ko at agad agad ko syang kinapitan sa bewang tapos ay ipinatong ko yung isa nyang kamay sa balikat ko.. " w-wag ka munang p-pipikit neo.. " " h-hindi k-kita kayang buhatin. " hirap na hirap kong pagkakasabi sakanya habang inaalalayan syang maglakad doon sa entrance na malaking puno papunta sa bahay ko.. dahan dahan syang tumango tango habang pinipilit nyang maglakad nang maayos.. makalipas ang sampung minuto na mabagal na paglalakad ay nakarating na kami sa bahay ko.. agad agad ko syang idiniretso sa kwarto ko at dahan dahan syang inihiga doon sa kama ko.. tinanggalan ko na din sya nang sapatos na suot suot nya na mukhang mamahalin.. inayos ko sya nang higa sa kama at umupo sa tabi nya habang nag aalala syang tinignan.. " n-neo , ano bang nangyayari sayo? " nag aalala kong tanong sakanya.. hirap naman syang tumingin sakin at ngumiti nang tipid tapos ay unti unti nyang ipinikit yung mata nya.. hinawakan ko naman yung kamay nya at nang hawakan ko yon ay mas malamig pa sa yelo yon.. " n-neo.. " kinakabahan kong pagtawag sa pangalan nya.. tinignan ko yung bibig nya at parang may usok yon na ibinubuga nya tapos ay sobrang namumuti na yung buong katawan nya.. " n-neo... " pag uulit ko pa sa pagtawag sa pangalan nya pero wala parin syang malay at nanatili syang nakapikit... hinawakan ko nang mahigpit yung kamay nya at makalipas ang ilan pang mga minuto ay nanatili parin syang nasa ganoong sitwasyon kaya naiyak na ako habang tinititigan sya at hinahawakan yung kamay nya.. " n-neo naman , g-gumising k-ka naman dyan.. " sabi ko sakanya habang tumutulo na yung luha sa mata ko... inalog alog ko pa yung katawan nya pero sobrang tigas na non na para na syang yelo.. dahil hindi ko na alam yung gagawin ko ay isinubsob ko nalang yung mukha ko sa gilid nang leeg nya at saka umiyak nalang habang yakap yakap sya... " n-neo naman.. " " first beep palang yon ha? " " b-bakit n-nagkakaganito k-ka? " mahina kong pagkakasabi sakanya habang nakasusob yung mukha ko sa malamig nyang katawan.. " caleigh.. " " wag kang umiyak dyan. " " kumuha ka na nang kumukulong tubig at bimpo , tapos ipunas mo sakin yon. " napatigil naman ako sa pag iyak at napadilat nang may marinig akong boses sa utak ko.. inangat ko naman yung ulo ko at tinignan si neo na ganon parin.. " m-mainit na t-tubig? " mahinang tanong ko pa sa sarili ko.. napalunok naman ako at saglit na tinignan yung naninigas na katawan ni neo.. agad agad akong tumayo at nagpakulo nang tubig tapos ay isinalin ko sa planggana yon at nilagyan ko nang bimpo.. at dahil sobrang kulo nung tubig ay gumamit ako nang tong para ilagay yun sa may binti nya.. hinayaan ko nalang na tumulo sa sahig yung tubig tapos ay nakikita ko nang bumabalik na yung dating kulay nya nang unti unti.. ipinagpatuloy ko lang yon hanggang sa bumalik na ulit sa dati yung itsura nya pero nakapikit parin sya.. tinignan ko yung kwarto ko na basang basa pero hinayaan ko nalang yon at hinawakan yung malambot na kamay ni neo saglit tapos ay binitbit ko na yung planggana at yung bimpo na pinang punas ko sakanya.. iniwanan ko muna sya saglit para iayos ko muna tong mga ginamit ko para maibalik sa dati yung temprature nya tulala kong pinigaan yung bimpo at isinabit sa may tubo nang gripo.. kumuha naman ako nang towel para ipang punas sa sahig sa kwarto ko dahil sobrang basang basa talaga yon , pati yung kama ko.. pero pagbalik ko doon ay nabitawan ko nalang yung towel na hawak ko nang makitang tuyong tuyo na yung sahig.. agad ko naman nilapitan si neo na normal parin yung temprature nya.. yung kama naman na basang basa rin kanina ay tuyong tuyo na din na parang walang nangyari... napabuntong hininga nalang ako at kumuha nang upuan tapos ay umupo ako sa gilid nang kama habang pinagmamasdan si neo na wala paring malay... " n-neo.. " " gumising ka na dyan. " " s-sobra na akong nag aalala sayo. " mahinang sabi ko sakanya habang hawak hawak yung isang kamay nya.. ibinaba ko naman nang maayos yung kamay nya at inilagay yon nang maayos sa may gilid nya at saka bumuntong hininga nalang at saka kinumutan sya.. naisipan ko naman na magluto nalang nang makakain para incase na magising sya , ay mapapakain ko sya agad.. nang matapos kong magluto ay binalikan ko ulit sya sa kwarto pero hindi parin sya gumigising.. binuksan ko nalang yung pintuan at saka pumunta sa lamesa para kumaing mag isa.. habang kumakain ay hindi ko naman maalis yung tingin ko sa nakabukas kong kwarto at tinititigan si neo na hindi parin gumagalaw.. napayuko nalang ako at nagsimulang tumulo nanaman yung luha sa mata ko.. sanay naman na kong kumain mag isa , pero  b-bakit ganito? bakit nalulungkot nanaman ako? lumipas pa ang mga oras hanggang sa dumilim na at natapos na din akong kumain at maghugas nang pinggan pero hindi parin sya dumidilat.. ni lock ko nalang yung pintuan sa may sala tapos ay pinatay ko na yung ilaw.. dali dali naman akong pumasok sa kwarto at sinara ko yon tapos ay tinignan ko lang si neo na parang mahimbing paring natutulog hanggang ngayon.. napabuntong hininga nalang ako at umupo doon sa upuan sa tabi nya tapos ay hinawakan ko ulit yung kamay nya.. " n-neo.. " " g-gumising k-ka na dyan.. " " n-nalulungkot na ko dito. " naiiyak kong sambit sakanya tapos ay pinunasan ko nalang yung luhang bumagsak sa mata ko.. ipinatong ko nalang yung ulo ko sa gilid nang kama habang nakahawak parin sa kamay nya.. at ilang minuto pa ang nakalipas , ay nakatulog na ako sa ganong posisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD