Chapter 14 : PUNTOD

1008 Words
Caleigh's p.o.v nang tuluyan kaming nakapasok sa loob nang mga puno ay may kung anong malamig na hangin na sumalubong sakin kaya napapikit ako.. pagkadilat ko ay namangha ako nang sobra sa nakita ko at napalingon pa ako sa mga punong pinasukan namin at tinignan ko pa yung bahay ko na nakikita ko parin naman hanggang ngayon.. ibinaling ko yung tingin ko kay neo na matamis na nakangiti sakin ngayon.. " pano nangyari t-to? a-anong g-ginawa mo? p-paano?...." nagtataka kong tanong sakanya at napatingin ako sa harapan ko kung saan bumungad sakin ang malalaking bato na dinadaluyan nang tubig padiretso kung saan... napatingin naman ako sa mga maliit na bulaklak na iba iba yung kulay na nasa gilid nang mga bato at parang doon yon tumubo.. " ginawa ko para sayo. " " napapansin ko kasi na parang napapagod ka nang mabuhay e.. " maikling sagot nya sakin.. napakunot naman yung noo ko habang tinitignan sya.. kinalas naman nya yung pagkakakapit ko sa braso nya at saka nya ako hinarap.. nginitian nga pa ako habang nakatitig sya sa mga mata ko.. " kung napapagod ka nang mabuhay.. " " puntahan mo lang 'to.. " " huminga ka nang malalim at ipikit mo yung mata mo.. " sabi nya sakin tapos ay itinaas nya pa yung damit ko para hindi makita yung clevage ko.. " palagi kang pakakalmahin nang lugar na to dahil ginawa ko to para sayo lang.. " " sa totoo lang , hindi ko rin maintindihan kung bakit nag eeffort ako nang ganito para sayo e. " nagtataka pa nyang pagkakasabi sakin habang nakakunot yung noo nya.. bumuntong hininga naman sya tapos ay napatitig sya sa mini falls na ginawa nya.. " sabi kasi nang magulang ko.. " " nakakapag parelax daw yung ganitong tunog nang tubig.. " dagdag pa nyang sabi sakin at nakangiti nyang iginala yung mata nya sa buong lugar tapos ay agad din nyang ibinalik yung tingin nya sakin.. " you're the only person who can see this place.. " " ganyan ka ka-special caleigh skye. " sabi pa nya  habang titig na titig parin sya sa mga mata ko.. nagtitigan kaming dalawa nang ilang minuto hanggang sa yayain nya akong umupo muna kami doon sa may damuhan.. bago ako umupo ay pinagpapagan nya muna yung uupuan ko tapos ay inalalayan pa nya akong umupo.. nang makaupo ako nang maayos ay napatitig ako sa tubig na dumadaloy mula doon sa taas , pababa.. " nasaan pala yung magulang mo? " napakurap kurap ako at dahan dahan ko syang tinignan.. napayuko nalang ako at saka pinaglaruan yung kuko ko sa kamay.. " malapit lang din sila dito. " " gusto mo ba silang makita? " tanong ko sakanya at bahagya ko pang inangat yung tingin ko sakanya.. napaiwas naman sya nang tingin at tipid na ngumiti.. " ikaw bahala kung gusto mo kong ipakilala sakanila. " maiksing sagot pa nya tapos ay tinitigan nya ako sa mata.. " tara na. " aya ko pa sakanya at saka dali dali akong tumayo tapos ay inoffer ko yung kamay ko sakanya para madali syang makatayo.. bibitawan ko na sana yung kamay nya dahil nakatayo naman na sya , nang higpitan nya yon at magkahawak kamay kaming lumabas dito sa magandang lugar na to.. nang tuluyan na kaming makalabas ay nilingon ko yung mga puno , pero hindi ko na nakikita mula dito yung mini falls na ginawa nya.. ibinalik ko nalang yung tingin ko sa daanan tapos ay kumaliwa kaming dalawa papunta kila mom and dad.. habang naglalakad kami nang diretso patungo doon ay sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko.. tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak namin yung daanan papunta sakanila nang sabay.. nang matanaw ko na yung dalawang bato na pa curve at nakabaon sa lupa ay bumagal na yung lakad ko habang nakatitig doon.. napatigil naman ako sa paglalakad at ganoon din si neo.. napatingin sa sakin tapos ay inangat ko din yung mata ko sakanya at saka nya binitiwan yung kamay ko at marahan nyang hinimas yung likuran ko.. " gusto mo bang bumalik nalang tayo sa bahay? " tanong nya pa sakin habang tipid pa syang nakangiti.. napatingin naman ako doon sa pinaglibingan nang parents ko tapos ay tumingin ulit ako sakanya at lumingon sa bahay namin.. napayuko ako saglit at napalunok.. dali dali tumakbo palayo at bumalik sa bahay.. s-sorry... s-sorry mom , dad.. nang makabalik ako sa bahay ay agad akong tumungo sa lamesa at kinuha yung dalawang sunflower na nakadisplay doon.. bumuntong hininga muna ako at saka lumabas ulit nang bahay tapos ay binalikan ko si neo doon na kumakaway lang sakin.. nang makalapit ako sakanya ay nginitan nya ako nang malaki at napatingin pa sya sa dalawang bulaklak na hawak ko at saka nya hinawakan yung kamay ko na walang hawak at nagpatuloy kami sa paglalakad.. nang tuluyan na kaming makalapit doon ay tinubuan na nang mga maliit na kulay puting bulaklak yung puntod nila.. lumuhod ako doon at inilapag yung sunflower sa gitna nung puntod.. nagtataka lang ako dahil yung mismong mga puntod lang nila yung tinubuan nang bulalak , tapos puro d**o na.. naramdaman kong tinabihan ako ni neo pero nanatili parin yung tingin ko doon sa bato na may nakaukit nang mga pangalan nila.. pasensya na kung tuwing birthday nyo lang ako nakakapunta dito.. para kasing nahihirapan parin akong tanggapin na wala na kayong dalawa at iniwan nyo ako dito nang mag isa.. at dahil naluluha luha na ko ay ibinaling ko yung tingin ko kay neo at namataan ko lang sya na seryosong nakatitig sakin.. nginitian ko sya nang mapait tapos ay ibinalik ko yung tingin ko sakanila.. napalunok nalang muna ako tapos ay bumuntong hininga bago ako nagsalita.. " ma , pa.. " " si neo , wise comet daw sya. " maloko kong pagkakasabi tapos ay narinig ko syang mahinang tumawa.. nagtama yung tingin naming dalawa tapos ay biglang nawala yung ngiti sa mga labi namin.. " gusto mo ba silang makita? " seryoso nyang tanong sakin.. tinignan ko naman yung puntod nila tapos ay hinarap ko ulit sya.. " p-pwede ba? " nauutal ko pang tanong sakanya.. ngumiti naman sya sakin at dahan dahan syang tumango.. agad agad akong pumikit habang nakaharap sakanya.. " gusto ko.. " " m-makita silang dalawa ulit , kahit na saglit lang. " naiiyak ko pang sambit tapos ay dumilat ako at nakita ko si neo na nakangiti habang tinitignan ako.. " master caleigh.. " " take my hand , because your wish is my command.. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD