HABANG pababa ng hagdanan ay halos hindi ko na mapansin ang bawat baitang na aking tinatapakan dahil sa labis na paghangang aking nararamdam sa kabuuan ng mansyon. Kulang pa ang salitang napakaganda upang mas maipahayag ko pa ang kagandahang aking nakikita. Magmula sa pinakamaliit na detalye sa pagkakaayos ng bahay ay walang sayang. Halatang hindi lamang basta-basta ang pagpapagawa sa mansyon na ito. Aaminin ko na ito pa lamang ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong klase ng mansyon. At sa TV ko lamang nakikita ang ganito, ngunit ngayon ay nararanasan ko na. "Good morning po, Maam Miracle!" Nagulat ako sa boses na iyon. Malakas akong napasinghap kasabay ng pag-igtad ng aking katawan. Mabuti na lamang at mahigpit akong napahawak sa barandilya ng hagdanan. Lumingon ako rito at

