"I'm happy!" masiglang turan ni Von habang nakatuon ang pansin nito sa kalsada. Kahit pa man hindi nito sambitin ang mga katagang iyon ay masasabi kong totoo ang mga sinasabi nito dahil talagang nababakas ko sa itsura nito mula pa kagabi nang sinagot ko ito at binigyan ng pagkakataon.
Subalit sa puntong iyon ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng bahagyang guilt sa aking kalooban dahil sa pagtanggap ko sa nararamdaman nito sa akin kahit pa hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para dito.
Gayunpaman, hindi maitatanggi ang kaligayahan na nararamdaman ko dahil sa ginagawa at ipinapakita nito sa akin. Lihim akong napabuntong at binalikan sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Ang naging takbo ng pag-uusap namin matapos ko itong sagutin at bigyan ng pagkakataon ang aming relasyong nasimulan.
FLASHBACK:
"O-Okay, s-subukan natin. W-Wala naman sigurong masama."
"A-Are you sure? Seryoso?" Tila hindi makapaniwala nitong turan na lihim ko na lamang ikinangiti. Para itong batang napagbigyan ng kanyang ina sa bagay na ginusto nito.
Tumango ako at binigyan ito ng malapad na ngiti. "Uhmm!"
"Thank you! Thank you, baby! Sobrang saya ko!" Sa ilang mga katagang iyon ay hindi maitatago ang labis na kaligayahang nadarama nito. Taliwas naman sa aking niloloob. Tila bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagsisisi sa naging desisyon ko na hindi ko muna pinag-isapan at bigla na lamang nagpadalos-dalos. Nagpadala ako sa kagustuhan ko na maranasan kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng isang karelasyon at ng lalaking palaging nasa tabi ko upang mahalin at alagaan ako katulad ng ibang mga kababaihan.
"V-Von," mahina kong turan sa pangalan nito. Dahan-dahan naman itong bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at maingat akong iniharap dito, saka ako tinitigan na puno ng pagmamahal. "S-Sorry kung hindi pa tayo parehas ng— ng n-nararamdaman sa ngayon. G‐Gusto ko rin munang subukan ang ganitong klaseng relasyon. Kung ano ang pakiramdam. Alam mo namang hindi ko pa nararanasan ang ganito simula pa noon. Pero huwag mo sanang isipin na ginagamit lang kita para sa pansarili kong pangangailangan. Masaya ako sa tuwing nakikita kita, nakakausap at nakakasama. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito, ng kung ano ang kahalagahan ko sa mundo. At nagpapasalamat ako roon. Salamat, Vo–––"
"Ssshh, alam ko. Umpisa pa lang alam ko namang hindi tayo parehas ng nararamdaman. Pero hindi ako sumuko dahil gusto ko pa ring subukan. Gusto kita simula pa lang nang unang beses kitang makita ka bus terminal. At sa bawat araw na nakakasama kita, I was realized na hindi na lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko para sa iyo, kundi ang totoo ko ng nararamdaman. Mahal kita, Angelica. Ginusto ko ito at pinili kong mahalin ka, kaya hindi ka dapat magpasalamat. At ako lang ang dapat na magsabi ng bagay na iyon, because you gave me a chance to prove my love for you."
Muli itong ngumiti pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Kung parehas lamang siguro kami ng nararamdaman ay masasabi kong ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil binigyan ako ng Panginoon ng ganitong klaseng lalaki na handang gawin ang lahat mapaligaya lamang ako at mapatunayan ang totoong pagmamahal para sa kin.
Wala na akong naimik pa sa mga salitang binitiwan nito sa akin at nagpatianod na lamang ako nang marahan ako nitong kinabig at mahigpit na niyakap. Sa bawat pagtibok ng puso nito na tumatagos sa aking pandama ay masasabi kong nagdudulot iyon sa akin ng kapanatagan at kaligayahan. Inisang tabi ko na lamang muna ang pagsisising nararamdaman at ninamnam na lamang ang masayang pakiramdam na ipinapadama nito sa akin.
END OF FLASHBACK
"Are you okay?" bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang paghawak nito sa aking kaliwang kamay, pagkatapos ay marahan nitong pinisil. "Kanina ka pa tahimik. May problema ba?"
Ngumiti ako at bahagyang umiling. "Wala. Hindi ko lang kasi ma-imagine na nasa isang relasyon na ako ngayon at sa edad kong ito ngayon ko lang nagawa at naranasan ito. Hindi tulad mo na marami ka ng naging karelasyon."
Umalpas ang mahinang tawa nito sa labi at saka nito hinalikan ang aking kamay na hindi pa rin nito binibitiwan habang nagdadrive. "I love you." Sa halip ay turan nito na nagbigay naman sa akin ng kilig. "Masaya ako dahil ako ang first boyfriend mo. At hindi ibig sabihin na marami na akong naging karelasyon ay sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Sa totoo lang, ikaw pa lang ang nagparamdam sa aking ganito. Ikaw pa lang ang minahal kong babae sa buong buhay ko— oh! No, it's not you. Pangalawa ka pala."
Mabilis kong binawi ang aking kamay mula rito at agad ko itong iniwasan ng tingin. Bwisit ka! Sinabi mo pang ako lang ang nagparamdam sa iyo ng ganito at minahal. Tapos sa huli sasabihin mo rin lang palang pangalawa lang ako. Bwisit ka! Bahala ka sa buhay mo. Parang gusto ko na tuloy hiwalayan ka na. Parang batang maktol ko sa aking isipan habang hindi ito tinatapunan ng tingin. Ngunit nang maranig ko ang malutong na hakalhak nito ay mabilis akong muling napalingon dito.
"Anong nakakatawa? Sige lang tumawa ka lang at huwag kang titig–––" Agad akong napahinto sa pagsasalita nang bigla nalamang ako nitong hinalikan ng mabilis sa labi. Halos dampi lamang iyon pero pakiramdam ko ay tila mala kamatis na aking mukha sa pula dahil sa sobrang hiya. Iyon pa lamang ang una kong halik at ganoon lamang nito kabilis na ninakaw.
Sunod-sunod ko itong hinampas sa balikat na lalo lamang nitong ikinahalakhak. "Bakit mo iyon ginawa? Iyon pa lang ang first kiss ko, e. Bakit mo ninakaw? Bakit hindi ka man lang nagsabi! Nakakainis ka!"
"Hey, baka mabangga tayo! Okay, I'm sorry. Hindi ko lang kasi napigilan, e. Ang cute-cute pala kasi ng girlfriend ko pag nagseselos."
"Tse! At sino namang nagsabing nagseselos ako? Masyado kang mapaggawa ng kuwento. Kahit hindi naman kasi talaga, e." Mabilis akong umiwas ng tingin dito at humarap sa bintana na hindi ko pa rin maipinta ang aking mukha sa inis. Nagseselos ba talaga ako? Pero hindi— hindi ako nagseselos! Naiinis lang talaga ako at iyon lang iyon. Wala ng iba pa.
"Okay! Okay! I'm sorry. But don't worry, baby. Wala ka namang dapat na ipagselos, e. Kasi si Mom ang tinutukoy kong unang babaeng minahal ko sa buong buhay ko at ikaw ang pangalawa. Maliban sa inuong dalawa ni Mom wala na akong iba pang babaeng minahal at pinag-ukulan ng oras at atensyon. Kayo lang talaga."
Lihim akong napangiti at bahagyang napakagat sa aking labi. Hindi ko agad naisip na maaaring ang ina nga nito ang tinutukoy nito kanina. Masyado lamang na naman akong napraning lalo na ng maisip ko ang mga babaeng nakarelasyon nito ayon na rin sa mga kwentong naririnig ko. At sa tuwing maiisip ko ang katotohanang iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit dahil halos wala man lang ako sa kalingkingan ng mga babaeng iyon.
"Ano? Galit pa ba?" tanong nito at muling kinuha ang aking kamay saka nito dinampian ng magaang halik.
"B-Bakit kasi h-hindi mo agad sinabi? N-Nakakainis ka," halos pabulong kong turan dahil sa pagkapahiyang naramdaman. At sa muling pagkakataon ay muli na naman akong ipinahamak ng aking kapraningan.
"Paano ko pa ba masasabi kung nag-isip ka na agad ng kung ano diyan. Hindi mo muna kasi ako pinatapos, e." Muling umalpas ang matunog nitong tawa. Agad ko itong nilingon at matalim kong tinitigan na agad naman nitong ikinaseryoso. "Okay, kasalanan ko kasi hindi ko agad sinabi. I'm sorry okay? Huwag ka ng magalit. I love you."
"Oo na! Hindi na ako galit, pero hindi tayo sabay na magla-lunch. Bahala ka sa buhay mo!" hasik ko at agad kong inalis ang lock ng seatbelt nang mai-park na nito ang kotse sa parking area ng hospital. Lihim akong napapatawa nang makita ko ang biglang pagbabago ng itsura nito, na parang bigla itong nataranta at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Hey, baby! Sabi mo hindi ka na galit, pero bakit ganito? Bakit ayaw mo akong makasabay mag-lunch? Baby naman! Hey! Angelica!" sigaw nito mula sa loob ng kotse. Hindi ko na ito nilingon pa at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang tumatawa. Bahala ka diyan, baby ko! Kasalanan mo kasi inasar-asar mo ako kanina, e.