"Hanggang kailan mo tititigan iyang singsing na iyan? Para ka ng sinasapian diyan, e. Ngingiti tapos biglang seseryoso. At ilang segundo lang, ganoon uli. Paulit-ulit. Malala ka na talaga. Parang ayaw ko na tuloy magka jowa. Nakakatakot, e." Lumingon ako kay Analyn. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito dahil sa singsing na nakasuot sa aking daliri. Mula pa kagabi nang mag propose si Von ay hindi na maalis ang aking atensyon sa bagay na ito. Masaya ako sa puntong iyon, ngunit hindi ko maiwasang mapaisip. Halo ang emosyong aking nararamdaman. Masaya ngunit tila may kalituhan at katanungan na gusto kong masagot. Ngunit hindi ko alam kung paano na hindi ko na kailangan pang tanungin si Von. "Dami mo na namang sinabi. Tinitingnan ko lang kung totoo ba itong bato na ito at kung totoo

