CHAPTER 44

1723 Words

PABAGSAK akong nahiga sa aking kama at nagpagulong-gulong. "Nakakainis! Ano ba iyan! Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kanya? Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin? Nakakainis talaga!" sigaw ko at malakas na hinampas ang kama. Agad akong lumabas ng opisina nito kanina at hindi ko na hinintay pa ang gamot na hiningi nito. Dahil pakiramdam ko ay para na akong matutunaw sa sobrang kahihiyan. Ngunit sa kabila noon, aaminin kong nagustuhan ko ang parusang iyon. Parusang kahit sino ay hindi magagawang tanggihan, lalo na kung tulad ni Sir Marcuz ang taong magbibigay ng parusa. At kung maaari nga lamang ay palagi na lamang akong gagawa ng ikagagalit nito para palagi kong maranasan ang masarap na parusang iyon. Mabilis akong napabangon ng higa at mariing sinabunutan ang aking buhok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD