"What's going on here? Bakit nagkakagulo kayo rito at sino ang babaeng iyan?" tanong ni Ate Miracle habang seryoso itong nakatingin kay Kathlene. Agad namang umiwas ng tingin si Kathlene na para bang nakadama ito ng tankot sa aking kapatid. Hindi ko naman maitatanggi na talagang iba ang ugali ng aking kapatid. Matapang ito kumpara sa akin. Maldita at palaging palaban ng walang pag-aalinlangan. Hindi katulad ko na isang pagkukunwari lamang ang tapang na ipinapakita sa lahat. "Bumalik ka na sa kwarto mo, Kathlene." Sa halip ay turan ni Papa at hindi pinansin ang mga tanong ni Ate Miracle. Tumango si Kathlene na animo'y isang maamong paslit na sumusunod sa iniuutos ng magulang. Hindi na sana ako kikibo, ngunit ng makita kong paakyat si Kathlene sa itaas ay doon na naman nabuhay ang galit na

