CONTINUATION... JACK's POV: "ANG DAMI MO TALAGANG ALAM MR. JACK FUENTEZ," madiin na sambit ni Rose nang makabalik muli kami sa kwarto. Kaagad niya akong sinermonan at hindi talaga siya nagpapigil pa. Nang matapos ang usapan kanina ay siya na ang kusang humigit sa akin dito sa loob para lamang kausapin ako at pagsabihan tungkol sa mga inakto ko kanina habang nasa hapag. Hindi tuloy niya naitapos ang kanyang pag-aalmusal dahil sa mainit na kaganapan na siyang dinagdagan ko pa. Halos tinamaan kasi ang dalawa sa mga pinagsasabi ko. Pero wala silang magawa dahil hindi naman nila kayang saktan ang isang tulad ko, sapagkat nasa katawan ako ni Ms. Santilla. "Pumayag na nga ako magpagamit sa'yo, pero hindi sa paraan na ilalagay mo ako sa alanganin. Dinadamay mo ako sa gulo ng pamilya mo eh.

