CHAPTER 42 ROSE POV: TUMUNGO na kaagad ako ng Kompanya at hindi ko na ninais pa na lumingon para tingnan si Jack... Akala niya yata ay maganda ang biro niya. Kapag siya yung humiling ay mabilis kong pinapakinggan siya pero pagdating sa akin ay hindi niya ako magawang pakinggan man lamang. Lagi na lang siya ang nasusunod kaya ngayon ay babaguhin ko na ito. Kanya-kanya na itong desisyon. Bahala na kung ano ang mangyari at kung saan patungo ang lahat ng mga gagawin ko. Pagdating ko sa Kompanya ay hindi na ako nagulat pa nang salubungin kaagad ako ni Zeny. She's really interested to my fiance. Kaya kahit layuan ko ang babae, naisip ko yung sinabi sa akin ni Jack na mas makakabuti daw ito sa amin kung lalapitan ko si Zeny at hahayaan na yumapos ito sa akin. Because from the very beginning, h

