PANAY ang puri ng mga stylist sa salon kay Roxie. Ang ganda-ganda at ang elegante raw kasi niya lalo na noong naayusan ng mga ito. Kahit na hindi pa naman tapos ang pagmi-make up sa kanya ay talagang pinauulanan na siya ng mga ito ng papuri. Biniro pa nga siyang papasa na siyang asawa ng bilyonaryo. Nagpigil naman siya ng ngisi kasi may kaya naman talaga ang nobyo niya. Ayaw lamang niya itong abusuhin.
"Malamang mapera ang boyfriend niyan, eh ganyan ba naman kaganda! Saka hindi ba taga-Prime ang nag-book ng appointment niya? Siguradong madatung!" kumento ng baklang nag-ayos ng kanyang buhok kanina.
"From Prime?" the lady sitting on the other chair and is getting her hair done asked.
Sa pananamit pa lamang ay masasabi na ni Roxie na nagmula ito sa maranghang pamumuhay. Mula damit hanggang sa bag na suot ay naghuhumiyaw ang yaman kaya nagulat siya nang ngitian siya nito.
"Your boyfriend is from Prime?" dagdag nitong tanong habang nakapinta sa mga labi ang makahulugang ngiti.
Ewan ba ni Roxie pero parang kakaiba ang paraan kung paano siya titigan ng babae. Tila . . . may kung ano sa malamig nitong mga mata na hindi niya mawari.
"Uhm, oo." She forced a smile. "He's from Prime."
"Wow. My husband is from Prime, too," sagot nito sa kanya.
"Small world," she replied and looked away. Wala na sana siyang balak pang kausapin ito kung hindi lamang nagpatuloy sa pagsasalita. "Sayang lang. He's not the faithful type. May babae kahit na ginagawa ko na ang lahat para sa kanya."
Umiral ang simpatya sa puso ni Roxie. "Bakit hindi mo pa siya iwanan?"
The woman scoffed. "And why would I do that? Just so he and his mistress can have the last laugh? No way!" Ngumisi ito. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Uhm, Roxie. You are?"
Naging makahulugan ang kurba nito sa mga labi. "Rosanna." Humugot ito ng hininga habang pinagmamasdan ang mamahaling wedding ring. "Tell me, Roxie. Masama ba akong tao kung gugustuhin kong bawiin at ipagdamot ang asawa ko?"
"Not at all." She sighed. "May karapatan ka dahil ikaw ang legal na asawa. Dapat ang mahiya ay iyong kabit at ang asawa mo."
"I know, right?" Natawa ito. "Ang dami-dami namang lalake diyan, iyong . . . kagaya niya ng estado sa buhay, talagang inaagaw pa ang asawa ko. Walang delikadesa."
Roxie swallowed the lump forming in her throat when she remembered her mother. "Kung hindi alam ng babae ng asawa mong kabit lang siya, sana oras na malaman niya ang totoo ay iwanan na niya dahil gaya nga ng sinabi mo, marami pang lalake diyan. Sana hindi magtyaga ang kabit sa pagiging pangalawa."
"Yeah, right. I hope she will but my husband is a big fish at may history na ang babaeng iyon. Let's just say . . . it runs in the blood." Rosanna grinned. "I doubt she'll leave my husband that easily when she's already laying on a comfortable bed and wasting my husband's money."
"Then she's the problem already. Alam na niyang makakasira siya ng relasyon pero sige pa rin," kumento niya. Mahal niya ang nanay niya pero iba talaga ang sentimento niya sa pagiging kerida, lalo na at lahat sila ay naapektuhan sa tigas ng ulo ng nanay niya.
"Ay, naku Madam. Sa panahon ngayon, mas matapang pa naman ang mga kabit!" kumento ng hairstylist ni Rosanna.
"Yeah, at sobrang kakapal ng mukha! Mga ilusyunadang palamunin! Hindi na nga nahiya na gumagasta ng pera ng may pera, hindi pa bibitiwan ang pag-aari na ng iba!" Rosanna smirked. "Women like that, they don't deserve anything good in life. Dapat sa kanila, ipinatatapon sa impyerno kung saan sila nababagay." Muli siyang tiningnan ni Rosanna. "Ano sa tingin mo, Roxie? Tama ba ako?"
She forced a smile. "Kasalanan ang ginagawa nila. Hindi katanggap-tanggap kaya sa Hotel Khallisa kung saan ako nagtatrabaho, blacklisted ang mga nagdadala roon ng kerida nila."
Tumaas ang kilay ni Rosanna. "That's interesting? Bawal palang may kabit sa Hotel Khallisa?"
Roxie proudly smiled. "Oo. Faithful kasi ang founder ng Hotel Khallisa."
Rosanna scoffed. "Eh, hindi ba naging kabit muna niya iyong asawa niya ngayon? Parang ang impokrito naman yata?"
"That's a different thing. Minanipula lang si Sir Khalil noon ng una niyang asawa kaya naging sila pero si Ma'am Khallisa ang unang naanakan at ang totoong mahal. Ang totoong gustong pakasalan," sagot niya na para bang kailangan niyang protektahan ang mga boss niya ano man ang mangyari. Ewan ba niya. Masyado yata talagang mataas ang respeto niya sa mga Ducani dahil na rin sa environment ng workplace nila.
Ngumisi si Rosanna. "Pero kasal pa rin siya sa una niyang asawa noong nagkabalikan sila ng asawa niya ngayon, hindi ba?"
Lumunok si Roxie. "Oo, pero--"
"Then they still committed a crime. They still engaged in a forbidden relationship. Kabit, kerida, kept woman, o kahit ano pa ang gusto nilang itawag, naging ganoon pa rin muna ang asawa niya ngayon." Rosanna lifted a brow. "I'm sorry, did I hit a nerve? I didn't mean to offend you, Roxie. Hindi ko sinasadya na masaktan ko ang damdamin mo. Hindi ko alam na supporter ka ng cheating."
Humugot ng malalim na hininga si Roxie. "No, I am not. Ang akin lang, iba ang kaso nina Sir Khalil. People condemn him and Ma'am Khallisa for being together while Sir Khalil is still married to his first wife, but people often disregard the reason why Ma'am Khallisa didn't become the only wife in the first place. Marriage is sacred, yes, but where's the sanctity in the union when it only took place because of a bunch of lies and deceptions?"
Rosanna smiled at her. "You're smart, Roxie. I hope you will use that brain of yours to make better decisions in life." Bumaling ito sa salaming nasa harap nito. "Kung ako sayo, pagaganahin ko na ang utak ko habang maaga pa."
Kumunot ang noo ni Roxie. "What do you mean?"
"Nothing." Rosanna smiled. "Should we meet again some other time? I have a feeling that we have the same taste especially when it comes to . . . you know." Naging matalim ang titig nito. "Men?"
She flashed a small grin. "Paano mo naman nasabi?"
"Let's just say I sensed it." Humugot ito ng hininga. "Anyway, let's meet some other time for a tea. I'll serve you the kind of tea that you will remember forever . . ."