Kabanata 21

1226 Words
"WHY the hell are you here? Hindi ka naman kasama sa expo," naiiritang sabi ni Zeus kay Rosanna nang madatnan niya ito sa mismong suite na gagamitin niya sa pananatili niya sa New York. Pagod na nga siya sa mahabang byahe, ganito pa talaga ang bubungad sa kanya pagkarating niya ng hotel. Rosanna smirked. "You've been hiding from me for so long, Zeus. Asawa mo ako. You know I have the right--" "First of all, I don't think I have to stress this enough. I never wanted this marriage so pack your damn bags and leave me alone." Tumaas ang kilay ni Rosanna, ngunit tila may kakaiba sa paraan kung paano siya nitong tingnan. Her lips even smirked as if she's silently telling him that he's going to regret it once she leaves the place. "I wouldn't ask me to leave if I were you," ani Rosanna sa malamyos ngunit tila nagbabantang tinig kaya lang ay masyado nang pagod si Zeus sa mga kadramahan at kaartehan nito kaya halos hindi na niya napansin ang kakaibang pahiwatig ni Rosanna. He removed his jacket and glared at her. "Leave before I drag your ass out." Nagtungo siya sa banyo at nagkulong na muna roon sandali hanggang sa narinig niya ang paglabas nito. He went out a few minutes later. Pinasadahan niya ng tingin ang buong silid, sinisigurong wala na nga ito roon. He sighed. Naupo siya sa gilid ng kama at inilabas mula sa bulsa ng pantalon ang kanyang pantalon upang mai-chat niya si Roxie. He told her that he's already in his suite and that he's going to hit the bed early to prepare for the first day of the expo tomorrow. Nag-send naman ito ng selfie, at nang makita niyang tila nalulungkot ang mga mata nito ay hindi niya napigilang basag na mapangiti. Zeus stared at the glass wall after sending Roxie an I love you chat. Naiisip niya ang buhay niya kung hindi naging magulo ang sitwasyon. What if his dad wasn't in a vegetative state? What if his mom is with them so she can have the authority over his dad? What if he didn't have a psycho for a grandma? Siguro ay araw-araw siyang may post sa Ig account niya ng mga larawan ni Roxie. He loves taking stolen shots of her. Minsan kapag natutulog, kapag inaasikaso nito ang ina, o kung may ibang ginagawa. He sighed. Kailangan niya talagang makahanap ng paraan kung paano makakawala sa sitwasyong ito bago pa malaman ni Roxie ang totoo niyang marital status. Hindi naman sa gusto niyang magsinungaling dito habambuhay. It's just that, ever since she mentioned about her parents, Zeus developed a fear that maybe, if Roxie will find out about Rosanna, she wouldn't hesitate to leave him even if they love each other so much. Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon. Napatayo siya nang manikip ang dibdib. He stared at the central park and let out the heavy air suffocating his lungs before he lifted his phone so he could stare at his wallpaper; a photo of him and Roxie taken during one of their dates. Basag na ngumiti si Zeus. "I'm gonna figure out a way to get out of this mess, Roxie, at oras na makalaya ako, ikaw naman ang walang kawala sa akin . . ." PANGALAWANG araw pa lamang na wala si Zeus sa bansa ay para nang lantang gulay ang katawang lupa ni Roxie. Masyado yata siyang nasanay na anumang oras ay nalalambing siya nito. Ngayon kasi ay madalas busy ito kaya kapag gabi na roon lamang sila nakakapag-usap. She sighed. Tamad na tamad talaga siya. Her energy seems too low for her to even function properly at work. Mabuti na lang at day-oof niya na bukas kaya kahit paano ay pwedeng humilata na lamang muna siya sa bahay. Kinuha niya ang mga gamit niya sa locker. She immediately checked her phone to see if Zeus sent her a chat already, kaya lang nang maalalang alas singko pa lamang doon nang madaling araw ay napabuntonghininga siya. "Relax muna, Roxie. Natutulog pa 'yon," she murmured to herself. "Uwi ka na ba, Rox?" tanong ng kanyang katrabaho. Pilit siyang ngumiti. "Oo. Walang kasama sina mama sa bahay." Ngumisi ang katrabaho niyang babae. "Parang two days ka nang walang sundo. Break na ba kayo ng boyfriend mo?" usyoso nito. Umikot ang mga mata niya. "Hindi lang nasundo break na agad? Excuse me, seryoso ang boyfriend ko sa akin." Umismid ito. "Hay, naku. Wala nang seryoso sa panahon ngayon maliban sa mga Ducani." She smirked inwardly. Well, technically, Zeus is partly a Ducani so that counts, right? Hindi na niya sinagot ang kaibigan. Hindi na rin naman ito nagtagal pa at nauna na ring umalis. Akma namang papalabas na siya ng locker room nang mag-vibrate ang phone niya. She received a chat from what looks like a dummy f*******: account. Hindi na sana niya bubuksan iyon dahil baka kung ano pa ang laman kaya lang ay nang mag-chat ulit at nagpadala ng larawan ay bumuntonghininga na lamang siya't tuluyan iyong tiningnan. Roxie clicked the blurred image to see it. Ganoon na lamang ang pagkatigil ng kanyang puso nang makita ang picture na ipinadala. It was a photo of a woman taken inside Zeus' hotel room. Parang muntik na yatang tumigil ang kanyang puso nang makita sa background ang jacket na suot ni Zeus nang umalis ng Pilipinas. Even his luggage was in the frame, making Roxie's heart to tighten as if something had crushed it. Nakatalikod lamang ang babae kaya hindi niya makita ang mukha ngunit ang sabi sa chat ay handang makipagkita sa kanya ang babaeng nasa larawang iyon. Nanginginig ang mga kamay na pilit nagtipa ng chat si Roxie sa nagpadala ng larawan. She asked who the woman in the photo is but the account replied with what seems to be an address of a resto in Ortigas. A part of her didn't want to go but her hunger to know who the woman in the photo was weighed even more. Kaya kahit hindi siya sigurado kung tama ang desisyon niyang puntahan ang address, nagtungo pa rin si Roxie sa resto saka niya sinabing nasa labas na siya. "Miss Cornejo?" a woman in black uniform called. Napakurap siya. "A-Ako nga. Ikaw ba 'yong ka-chat ko?" nag-aalala niyang tanong. Payak itong ngumiti saka umiling. "This way po. Hinihintay kayo ng boss ko." Sandaling lumunok si Roxie bago siya tuluyang sumama sa babae na tila ba bodyguard dahil sa suot at postura. Lalo tuloy siyang kinabahan. Sino ba iyong nagpadala ng mensahe sa kanya? The woman led her inside the resto where a familiar woman was waiting for her. Halos mamanhid naman ang dibdib ni Roxie lalo na nang makahulugan siyang nginitian ng babaeng nakilala niya sa salon. "Oh, hi! You're here!" She grinned in a meaningful way before she grabbed her bread knife and her glass of champagne. Pinatunog nito ang baso na tila kinukuha ang atensyon ng lahat ng customer na naroroon kaya halos mawalan ng kulay ang mukha ni Roxie. "Everyone! May I have your attention, please! I just wanna introduce you to Miss Roxanne Cornejo." Rosanna turned to her and smirked. Maya-maya ay ganoon na lamang ang gulat niya nang isaboy ni Rosanna ang champagne sa kanyang mukha. "My husband's filthy and gold-digging kept woman . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD