Shana Pov.
Gumagawa ako ng aking takdang aralin ngayon. Nakasanayan ko narin na tapusin muna ang mga gawain sa paaralan bago lumabas at makipag kita sa mga kaibigan ko.
"Shana? Nariyan kaba sa loob ng iyong silid?"
Agad kong inayos ang mga kalat ko. Ayaw kasi ni Ina kapag magulo ang mga gamit sa paligid niya. Parang naiirita daw siya kapag nakikita niya iyon.
"Opo.." bumukas ang pinto at pumasok si ina kasama si Asul ang kanyang personal na tagapag
lingkod.
"Masyado mo naman yatang pinag iigihan sa pag aaral, aking munting Dashira." Ani niya at tumabi saakin.
"Hindi naman po masyado ina, bakit ka nga pala narito sa aking silid?"
"Wala lang, nais ko lang na bisitahin ka. Isang linggo din pala ako mawawala dito sa Arkisha, Anak. May mahalaga akong pupuntahan sa Timog."
"Isasama mo po ba si Asul?"
"Oo, pero may iiwan din naman ako dito upang mag bantay sa iyo. Mahalaga lang talaga ang aking pupuntahan kaya kailangan kitang iwan muna." Kinuha ni ina ang suklay sa aking aparador at sinuklay ang aking buhok.
"Kamahalan, kailangan na po nating umalis." Ani ni Asul. Sinuklay ulit ni Ina nang dalawang beses ang aking buhok bago ilapag ang suklay.
"Mag ingat po kayo sa inyong paglalakbay, Ina. Hihintayin ko ang inyong pagbabalik" tumayo ako at Yumuko sa harapan niya. Nakita kong ngumiti siya at tuloyan nang umalis sa aking silid.
Kinuha ko ulit ang aking aklat at Papel. Bumalik ako sa aking ginagawa kanina.
.
.
.
Hira Pov.
Pagkabalik namin ni Tiya Almara galing bundok ay agad naman akong niyaya ni Lara para mag ikot ikot. Mabuti rin naman iyon para malaman ko ang pasikot sikot sa lugar na ito.
Habang naglalakad kami ay bigla akong may naisip. Yung paraan ng pananalita nila ay pareho lang kung paano magsalita si Mama. Hindi kaya, galing din siya dito?
"Hira? Malalim ata ang iniisip mo.."
"Hindi naman, Lara."
Nagtaka ako kasi bumalik kami sa kambal na puno. Akala ko ba papasyal kami.
"Alam mo ba ang Kwento tungkol sa Kambal na puno na ito?"
'Malamang hindi bhe. Bago lang ako dito eh'
"Hmmm... Hindi."
"Dito ang dating tagpuan ng dating pinunong Dashira at ng kanyang nobyo."
"Ano ang nangyari sa kanilang dalawa?" Kung kanina ay abot Teinga ang ngiti niya ngayon ay bigla siyang nalungkot.
"Ilang Linggo nang ipinanganak ang kanilang unang Anak ay nagkaroon ng Digmaan at parehong namatay ang dalawa. "
'Ang Tragic naman pala...'
"Anong nangyari sa anak nila?"
"Marami ang nagsasabi na namatay din ito kasabay nang mga magulang niya. May iba ring nagsabi na posibleng buhay pa ito. Pero ang totoo dito ay, walang may alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya."
Ilang minuto rin kaming tumambay sa ilalim ng kambal na puno. Ikinwento din sa akin ni Lara na marami ang umaasa na magpapakita ulit ang kanilang mahal na pinuno sa punong ito.
Siguro, isang mabait at responsableng pinuno si Dashira Dhalia. Kasi marami ang nagmamahal at naghihintay sa kanya. Ano kaya ang naging buhay nila kung andito parin siya at kasama ang Anak at Asawa niya?
Pagkatapos namin sa Kambal na puno ay dinala ako ni Lara sa school nila. Alam niyo nag expect talaga ako na makaluma o kakaiba ang school nila pero pareho lang pala sa mga universities na nasa maynila.
Ang kaibahan lang ay napaka lawak ng school nila. Kasi daw, lahat ng mga Deviera ay dito nag aaral. Pati narin ang mga Dashira, mga kababaihan na nasa mataas na ranggo.
"Lara!" Sabay kaming napalingon ni Lara nang may tumawag sa kanya. Nakita naming papalapit ang isang Babae. Una kong napansin sa kanya ang maganda niyang mukha. Lalo na ngayon na nakangiti siya habang papalapit saamin. May maganda din siyang damit na bumagay din sa kagandahan niya.
"Magandang araw, Dashira Shana.." nakangiting ani ni Lara. Isa pala siyang Dashira.
"Magandang araw din, Sino pala itong kasama mo?" Ani niya nang makita ako.
"Siya si Hiraya, Pamangkin ni Ginang Almara.."
"Talaga? Marami akong naririnig na mga usap usapan tungkol sa kanya, subalit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Napakaganda mo naman pala, Binibini. Ako nga pala si Shana, Sana ay maging magkaibigan tayo. " Nakangiting ani niya.
"Hiraya, Nice to meet you" bigla siyang nagulat sa sinabi ko.
"Marunong ka palang magsalita ng Ingles! Nakakatuwa naman.."
Oo nga pala, Marami dito ang hindi marunong mag salita ng english. Dahil narin sa hindi naman ito masyadong tinuturo sa mga Deviera.
"Yeah, I guess..."
"Tama nga ang aking Nabatid tungkol sa iyo, isang Matalino at mabait na Binibini ang Pamangkin ni Ginang Almara. Siguradong ipinagmamalaki ka ng iyong Tiya."
Totoo naman na mabait ako pero hindi din ako sure sa sarili ko kung matalino ako. By the way, Ganoon pala ang pagkakakilala nila sa pamangkin ni Ginang Almara. Dapat mag ingat talaga ako para hindi ko masira ang imahe niya.
Sumama si Shana sa pag iikot ikot namin. Marami siyang nakwento saakin. Hindi ko na nga narinig si Lara nagsalita simula nang sumama saamin si Shana. Grabe, ang daldal niya pala. Hindi ba siya napapagod sa kakasalita?
Napadaan kami sa isang kwarto na parang abandonado na. Marumi at nagkalat ang mga Upuan. Medyo Creepy na din siyang Tingnan.
"Sandali lang, ano ang nangyari dito?" Ani ko.
"Nagkaroon ng pagtatalo sa silid na ito. Nilabag ng iilang mag aaral ang tuntunin nang paaralan at ginamit ang mga kapangyarihan nila. Sampu sa mga mag aaral ang namatay kasama rin ang kanilang guro."
Nakakahilo naman ang pinagsasabi ni Shana. Wala bang simple explaination doon?
Ang naiintindihan ko lang ay kaya nagkaganito ang room na ito dahil nagkagulo daw dito noon at 10 na mga students ang namatay pati narin ang teacher nila.
"Nakakaawa naman.." tanging ani ko.
"Halika na, Hiraya. May gusto pa akong ipakita sa iyo.." Hinila na ni Lara ang kamay ko at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.