Nag aabang ng masasakyan na jeep si Denise ng may napapansin siya na may parang taong nakatingin sa kanya di niya lang mapag masiguro kung sino may feeling niya nasa malapit si Cris at nagmamasid lang. Laking pasalamat niya dahil may bumaba na pasahero sa tapat niya at nakasakay narin siya. May napapansin siya na isang kotse na laging nakasunod sa jeep na sinasakyan niya, pinag walang bahala niya dahil iniisip niya bakit naman siya susundan ni Cris kung may galit man ito sa kanya.Hindi naman siguro ito mag aksaya ng oras lalo pa kasama nito ang manager nila. Pumara siya at bumaba ng jeep napa lingon pa siya sa likod kung andiyan pa ang kotse na kasunod sa kanila.Ngunit nawala na rin ito. Sakto may tricycle na nag aabang sa kanto dahil papasok pa ang bahay nila malayo layo rin kung lalaka

