Maganda ang takbo ng business ni Denise, masaya siya dahil kumikita siya at iniipon niya ang pera na naging kita niya sa mga online. Pumunta siya ng grocery dahil paubos na ang kanilang stocks sa condo, binigyan narin siya ng pera ni Cris para makapag grocery. Nasa isang shelves ng pagkain siya ng may narinig siyang boses na familiar sa kanya kaya nakinig siya at nabosesan niya si Cris. Pero ayaw niyang maghinala dahil may kasama itong babae na kaboses din Paula. Huminto siya saglit at dali dali niyang itinulak ang cart patungo sa kabilang shelves ngunit wala na ito namataan nalang niya ang paliko na ito,familiar din ang suit ng lalaki kagaya ng sinuot ni Cris ngayon di kaya nagkataon lang ito. Naisip niya hindi magagawa ni Cris sa kanya maglihim lalo ng mambabae ito. Nagpatuloy siya han

