Chapter 9 - R18

2008 Words

"BELLA, matulog ka ng maaga, pababain mo lang iyang kinain mo. Tandaan mong may laman na iyang sinapupunan mo, hindi na pwede yung dating routine mo," paalala sa kaniya ng ina. "Opo, Ma. Sa kuwarto na po ako magpapababa ng kinain, medyo nakakaramdam na rin naman po ako ng antok," tugon naman niya pagtapos ay tinungo na rin ang kaniyang silid. Pahiga na si Bella sa kaniyang kama ng hindi sinasadyang matabig niya ang litrato nila ni Shawn at diretsong bumagsak iyon sa sahig dahilan para mabasag iyon. Nang damputin niya iyon ay kakaibang kaba ang lumukob sa kaniya, kaya naman mabilis niyang ini-dial ang numero ng asawa. Mas lalo siyang kinabahan ng makailang ring na iyon ay hindi pa rin ito sumasagot. Habang sa kabilang banda naman ay mainit pa rin ang palitan ng halik ni Shawn at Sariah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD