IYON ang unang beses na sasamahan ni Shawn si Bella sa pagpapa-checkup nito. Hindi niya rin alam kung bakit nakakaramdama siya ng kakaibang tuwa at excitement. “Oh, Shawn, long time no see, ha!” nakangiting salubong sa kaniya ni Michelle na siyang matagal nang OB ni Bella. “Oo, masyado lang kasi akong naging busy kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makasama rito kay Bella,” usal niya sabay hawak sa kamay ng asawa. “Oo nga, noong nakaraan nga ay nakita kita sa Shang, namimili ka ng mga gamit, puros mga pink nga iyong pinamili mo. Mukhang gustong-gusto mong maging babae ang anak ninyo, ah.” Nawala ang kaniyang ngiti sa tinuran nito at nag-aalangang tumingin sa asawa. “Ah, iyon ba? Hindi ‘yon sa amin ni Bella, yung kasamahan ko kasing Engineer ay nagpasama sa ‘kin na mamili ng

