"OH BAKIT parang gulat na gulat ka naman diyan?" nagtatakang tanong ni Shawn kay Sariah pagkabukas nito ng pintuan ng sasakyan. "Ha? Wala po, sir!" mabilis na saad naman niya habang pasimpleng tinitingnan ang pregnancy test at ang kahong pinaglagyan noon na nalaglag sa kaniyang paanan. Pasimpleng sinipa niya iyon papunta sa ilalim ng kaniyang inuupuan. "Kumain ka na ba?" tanong nito sa kaniya ng maisara nito ang pintuan ng sasakyan. "Hindi naman ako gutom, sir," tanggi naman niya. Hindi niya alam kung nakita na ba ni Shawn ang pregnancy test na iyon o hindi pa ngunit hindi naman niya magawang tanungin dahil masyadong personal ang tungkol sa bagay na iyon. Ngunit alam niyang kailangan na niyang simulan ang planong inilatag niya para kay Atty. Bella Santillan, bago pa man magbago ang i

