"MA, tara na," nagmamadaling aya ni Bella sa ina habang pababa na siya ng hagdanan ng kanilang bahay. "Magdahan-dahan ka namang bata ka!" saway naman nito sa kaniya. "Baka nakakalimutan mong buntis ka na." "Alam ko po 'yon kaya nga ako nagmamadali, siguradong pauwi na 'yon si Shawn ngayon, hindi na ako nakapaghintay na sabihin sa kaniya, Ma!" bakas ang labis na tuwa sa mukhang iyon ni Bella. "Hay! Talaga namang ikaw na bata ka, pwede mo naman sa kaniyang sabihin iyan ngayon pa lang bakit ba kasi pinatatagal-tagal mo pa." "Ma, pagbigyan niyo na ako, ngayon ko na nga lang ulit susupresahin ang asawa ko. Saka pinasama ko pa ng husto ang loob niya kung sasabihin ko rin naman kaagad," paliwanag naman niya sa ina. "Hapon pa naman yata ang uwi ni Shawn bakit ba madaling-madali ka?" wika nama

