WTF! Kyrile's POV "AAHH!" Napatili ako at kasabay nang pagmumura nang malutong ng aking kapit-bintana. "Hey, Tol! Ano'ng nari-" Ni-hindi na naituloy ng bagong pasok na lalaki ang sasabihin dahil pabalyang binangga ng aking kapit-bintana ang magiging saksi sa 'king katawan at inis na sinara ang bintana. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kaniyang mga matang nambabalasik. "Huhuhu! Ang virgin body ko! May nakakita na! Ang future husband ko lang ang puwedeng sumilip at magmanyak sa 'kin. Ano 'yon silip- silip lang ang nangyari sa katawan ko? Daig pa 'yong nag-window shopping. Peste, bakit ba ako may kapitbahay?!" naiiyak kong maktol habang nasa kama. Nakabihis na 'ko ng T-shirt na Winnie the Pooh at shorts na malambot ang tela. Nagpapadyak pa 'ko sa ere na parang baliw. "Bunso! Ano'n

