Cry Kyrile's POV HINDI KO ALAM ang nangyayari dahil parang baliw na'ng aking kinagisnang Mommy habang ginugulpi at tino-torture ang mga magulang ko. Hindi ko napigilang umiyak. Akala ko ba'y hindi nito gagalawin sila pero mali pala 'ko. Nakabusal ang aking bibig at nakakulong akong mag-isa sa isang silid. Gusto ko makawala at baka mapano sina Mama at Daddy. Naiyak na lang ako sa kaawaan at desperasyon. I'm worthless. Ni-hindi ko sila maipaglaban at tanging iyak lamang ang naiambag ko. "Please, help us. Ayaw ko pa pong mamatay. Save us, and let us live peacefully," piping dasal ko habang umiiyak. Ayaw ko pang magwakas ang aking buhay na hindi ko pa nagagawa kasama ang mga mahal ko. Sana'y magkatotoo ang mga napapalabas sa mga T.V. at sinehan na may biglang magka-cut ng eksena pero wa

