Iero's POV ILANG TAON ang nakalipas at medyo nakabangon na rin kami sa trahedyang naganap noon. Nasa sementeryo kami ngayon para sa Death Anniversary ng mga magulang ni Kyrile pati na rin ni Dustin. Maraming tao rito dahil nandito ang aming grupo at ang pamilya ni Kyrile na sina Ysay at Bebeng kasama ang anak nito na si Duncan. "Baby, give mo na ang flowers kay Papa and kiss tapos sabihin mo na rin miss na natin siya," sabi ni Bebeng at sinunod naman ng anak nitong limang taong gulang. Hinalikan ang lapida ni Dustin habang naka-display ang urn nito sa glass na istante. Napalingon naman ako sa babaeng nag-aayos ng bulaklak at hinihimas ang lapida. Napangiti ako at salamat na rin sa Panginoon na gumaling si Kyrile mula sa depression at trauma. Kasama ko siya lagi at hindi ko iniiwan. Mah

