Mama Kyrile's POV MEDYO hindi ako nakatulog dahil na rin kumalat ulit ang balita tungkol kay Mommy. Sobrang gulo ng aking utak. Parang may hindi pa 'ko alam kaya't napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko at tinignan ko naman ito. Incoming call: Unknown Number Napakunot ang aking noo pero sinagot ko naman ang tawag. Nagbabakasali ako na tumawag muli si Daddy. The last time he called me was not okay. "Hello, sino po sila?" tanong ko at buntonghininga lang ang narinig ko mula sa kabilang linya. "It's me, Amber. We need to talk. Pumunta ka sa address na ite-text ko sa 'yo," sagot ni Daddy sa kabilang linya kaya't medyo nagulat ako. Sa wakas, masasagot na rin ang mga katanungan sa 'king isipan. "Ahm. . . Sige po, Daddy." Nang pinatay na nito ang tawag ay agad na tumunog ang cellphone

