The Intruder Kyrile's POV PUPUNTA ako sa bahay nina Daddy at Mama. Ngayon lang ulit ako bibisita kaya naman maaga pa lang ako'y bumiyahe na 'ko. Gusto ko kasing ipagluto sila. Nang nakarating ako'y agad akong nakapasok lalo na't may susi ako. Dumiretso na rin ako sa kusina para maghanda nang makakain nila. Habang nagluluto ako ng almusal ay naalala ko bigla si Iero at agad namula naman ang aking mukha pero iniwaksi ko muna. kailangan munang huwag ko siyang isipin lalo na't nandito ako sa bahay ng mga magulang ko. I need to focus, because he was my distraction. Maya-maya pa'y natapos na 'ko sa pagluluto at naghain. Kasabay 'non ang pagbaba ng aking mga magulang. Si Mama nama'y nagulat sa 'king presensya pero napalitan ng saya ang mukha. "Anak, nagulat akong nandito ka na. Naku! Ku

