Tumigil si Enzo sa pagtitig sa hawak na nakakwadrong larawan. Kuya iyon noong isang taong gulang pa lamang siya. Nakaupo siya sa isang silya at may bilog na cake sa mesang katapat niya. Sa ibabaw ng cake na kulay dilaw ay may nakatusok na isang kandila. Kuha iyon ng kanyang first birthday. Nakangiting ibinalik niya sa ibabaw ng mahabang mesa na gawa sa kahoy ang picture frame katabi ng iba pa nilang family pictures. “Nakakamiss ang dati. Ang bilis ng panahon.”anang mama niya na hindi niya namalayang nakatayo na sa gilid niya. Nilingon niya ito kaya nagtagpo ang malalaki nitong mga mata at ang abuhing niyang mga mata. Nasasalamin sa mata ng kanyang ina ang giliw nito sa kanya. Akmang kikintalan siya nito ng halik sa pisngi ngunit umiwas siya. "Bakit ninyo ako ipinatawag Ma?"wa

