"The Baby Maker"
By: "Ms. Alejos"
THE TRAPPED
MATAPOS ang tanghalian inaasahan na ni Nicole ang kanyang magiging bisita, kaya naman tinawagan nya ang guard sa main gate at pinaalam na may darating syang panauhin.
Nang tumawag ang gwardya sa main gate nang subdivision at pinarating sa kanya na dumating na ang hinihintay nyang bisita ay agad naman pinapasok ang mga eto. Nasa sa sala si Nicole at hinihintay ang pagpasok nang mga eto samantalang ang kasambahay na si Rosa naman ang nagbukas nang malaking gate para sa mga panauhin.
"Ms. Nicole Punzalan?" bungad nang naka uniformeng pulis.
"Yes and you are Srgt. Dela Vega?? Kinagagalak ko ho kayong makilala.." wika ni Nicole.
Matapos iyon ay pinaunlakan nyang maupo ang mga eto tatlo ang pulis na kanyang panauhin.
"Ma'am sinabi ho sa amin ni General ang problema magulang nyo pala yung namatay at nabalitang sumabog ang sinasakyan, dito din sa subdivision na eto.." bungad ni Srgt. Dela Vega..
"Oho srgt. At hanggang nagyon wala parin linaw ang lahat, ang pagkamatay nila, pero umaasa ako na malulutas eto sa pamamagitan nyo. At nang taong tumatawag sa'kin.." wika naman ni Nicole..
Matapos na sabihin ni Nicole ang usapan nila nang lalaking tumawatawg sakanya, ang lugar kung saan sila magtatagpo at maging kung anong oras, ang team naman ni srgt. Dela Vega ay agad naglatag nang plano kung paano mahuhuli ang lalaking tumatawag kay Nicole.
Nagpaalam ang mga pulis na pinaalalahanan naman si Nicole, gagawin nila ang pakikipagpalitan kinabukasan nang hapon, kaya naman si Nicole di na muna pumasok sa miseum, inasikaso nya ang perang kailangan nang lalaki at inihanda ang sarili, binigyan din sila nang dalawang pulis sa kanyang bahay para magmanman at magbantay kung sakali mang may tao paring mananakit sa mag-ina.
Samantalang si Archie naman ay nagagalit narin kay Nicole ni hindi nitu sinasagot ang kanyang tawag, hindi rin sya makapasok sa bahay nina Nicole dahil pinagbawalan sya, may mga pulis din na nakabantay, hindi tuloy nya alam kung anu na nangyayari sa mag-ina nya. Mali ang iniisip ni Nicole sakanya, marahil nasa isip nitu na kasabwat sya ni Cathy sa lahat.
Si Nicole nang gabing iyon di naman dalawin agad nang antok, nakita nyang panay ang tawag sakanya ni Archie, at wala syang planong sagutin iyon. Inihanda nya ang kanyang sarili sa magaganap kinabukasan. Di nya alam ang mangyayari sa susunod na araw, kaya ngayong gabi katabi nyang matutulog si baby Nick..
Matapos na maihanda ang perang kailangan, nagbihis si Nicole, isang simpleng jeans at t-shirt ang kanyang isinuot. Pagkatapos non ay kinarga nya si Baby Nick at nagpaalam sa mga katulong, tinawagan nya si srgt. Dela Vega at sinabi nyang nakahanda na sya papunta sa mall kung saan ang usapan nila nang lalaking tumatawag sa kanya.
Samantalang ang mga tao ni srgt. Dela Vega ay nakakalat narin naman sa loob nang mall, lahat sila ay nakasuot nang sibilyan para sa trapped operation na gagawin, nakita nilang pumasok si Nicole sa mall at kagaya nang usapan nila sa isang food court sila magkikita, hinanap ni Nicole ang lalaking nakasuot nang damit ayon sa binigay nitung discripsyon sa kanya, maraming naka sombrero sa food court, kaya naglakad pa sya para hanapin at isa-isahin ang kulay nang kasuutan nang mga naka sombrero. Hanggang sa isang lalaki ang tumawag sakanya..
"Ms. Punzalan!" nilingon iyon ni Nicole, marahil eto na ang lalaki dahil tugmang-tugma ang kasuutan nitong damit at sombrero. Nakapantalon at t-shirt na pula eto, may malaking peklat eto sa mukha na tila isang taga nang itak. Lumapit si Nicole at naupo sa kaharap nitung upuan. Samantalang nakalatag ang ang isang envelop sa ibabaw nang mesang nandoon. Inabot sakanya yon nang lalaki. Pasempleng inabot yun ni Nicole at binuksan. Nakita nya sa larawan si Cathy, na may inaabot sa lalaking tila isang bungkos nang pera. Laking gulat nya na ang lalaking nag abot nang envelop sa kanya ngayon ay sya ring nasa larawan.
"Anong ibig sabihin nitu?" Tanong ni Nicole sa lalaki..
Magsasalita pa sana si Nicole nang makita nyang may dalawa nang lalaki sa likuran nang kausap nya may baril na nakatutuk sa likuran nitu, alam nyang ang mga tauhan ni Sgt. Dela Vega yon.
"Walang hiya ka, wala kani isang salita, set-up tong ginawa mo sa'kin!" galit na wika nang lalaking may peklat sa muka. Agad na nilagyan nang posas eto nang dalawang pulis, ang mga nandoon naman ay nakipanood sa mga kaganapan, nagulat sila sa mga eksena, ang iba ay mababakas ang pagkagulat nang makita ang baril na nakatutuk sa lalaki.
Matapos malagyan nang posas ang lalaki, at makita nitong madami palang pulis sa paligid dina eto umapela pang kumawala, sumama nalang eto. Agad namang lumapit si Srgt. Dela Vega kay Nicole. Kinuha ang hawak na envelop at dahil nasa labas na ang larawan inusisa narin iyon ni Dela Vega. Nakita ni Nicole ang larawan ni Cathy pero dipa malinaw sakanya ang lahat.
Isasailalim pa sa interogation ang kanilang nahuli para malaman ang lahat nang sangkot sa krimen. Hawak ni srgt. Dela Vega ang lahat nang larawang binigay nang lalaking nahuli nila, may tape din doon sa presento na nila papakinggan iyon. Deretso sa pulis station ang kanilang team nakasunod din si Nicole sa mga eto.
Eto ang unang pagkakataon na tumapak nang pulis station si Nicole. Kaya naman kahit wala syang kaso kinakabahan sya. Agad na tinanong ang lalaki sa totoo nitung pangalan. Nakilala nila eto sa pangalang Valdo Legaspi. Napag alaman nila na dati na palang may record eto sa pulis, kaya naman tinuloy tuloy na nila ang pagtatanong dito sa gusto pa nilang malaman.
Mahirap pakantahin si Valdo, ngunit tinakot sya ni srgt. Dela Vega na sya ang sasalo nang lahat nang, kasalanan kapag hindi eto kakanta nang maayos, ilang oras pa ang nakalipas ay umamin din eto at itinuro si Cathy na syang nagpagawa nang krimen, hindi na daw nya alam ang dahilan nitu kung bakit pinagawa iyon ang mahalaga sa kanila ang malaking kabayaran.
Halos bugbugin ni Nicole ang lalaking nagngangalang Valdo. Sobrang galit ang nararamdaman nya para dito..
"Hindi mo alam ang ginawa ko para iligtas ang buhay nang Tatang ko, tapos kayo ang kikitil nang buhay nya.. Mga hayop kayo!" sigaw ni Nicole sa kabila nang pagsampal at paghampas nitu sa lalaki, inagapan naman agad sya ni Srgt. Dela Vega. Inawat sa ginagawa nitu..
"Tama na Ms. Punzalan, baka mapatay mo pa yan, hayaan mo sanang batas nalang ang humatol sa kanya.." mahinahon namang wika ni Srgt. Dela Vega..
Hindi madaling napakalma si Nicole, naalala nya si Cathy marami na syang atraso sakanya oras na para naman maningil sya. Agad na nagpaalam para makaalis si Nicole sa presinto.
"Ms. Punzalan ang bawat gagawin nyo sana pag-isipan nyo nang hindi masayang ang panahon na gugugulin nyo sa taong pupuntahan nyo may batas tayo at pwede nating maparusahan ang lahat nang may kasalanan.." wikang muli nang pulis.
Ngunit umalis parin si Nicole na tila walang narinig. Di maampat ang mga luhang kumakawala lalo na't nalaman na nya ngayon ang taong may kagagawan nang lahat.
"Alam ni Archie ang lahat tapos inilihim nya sa'kin?! Magsama silang dalawa.. " galit na wika ni Nicole..
----------
THE FACE-OFF
Isang paghaharap ang gagawin ni Nicole para mahuli din si Cathy. Tinawagan nya si Ms. Gutteriez para makipagtagpo kinabukasan, ngunit idiniin nyang isama ang amo nitu para makausap nya at handa syang magpahiram nang puhunan dito, dahil ang pawnshop nito ay isang kilala ngunit magiging sister company eto nang itatayo nyang shop, sa nalaman ni Cathy ay agad syang pumayag na makipagkita sa buyer nang mga alahas at taong handang magpahiram nang malaking halaga sa kanyang shop.
Kasama ni Nicole si Ellen at kasama din ni Ms. Guttierez si Cathy.. Ang lahat ay nakaplano nang walang kinalaman ang dalawang assistant. Ipinaalam nya kay srgt. Dela Vega ang kanyang plano at sumang-ayon naman eto kagaya nang naunang plano, huhulihin din nila ang may pakana nang lahat.. Ngunit dina nagsama pa nang maraming tauhan si srgt. Dalawa lang sila na reresponde, dahil babae naman eto at tyak na hindi nitu alam ang mga mangyayari ang pwedeng mangyari..
Sa isang kilalang Restaurant ang usapan nang dalawang partido sa pakikipagkasundo nang shop at kabayaran nang mga alahas nauna nang dumating si Ellen at maging ang mag-among Cathy at Ms. Guttierez ay nandoon na..
"Napakatagal nang amo ha.. Mukang baguhan sa negosyo at di alam ang oras..!" mataray na wika ni Cathy kay Ellen.
"Naku parating narin ho yon, ayaw ho nang nalalate nun kaya tyak parating nadin yun.." pang-aalo naman ni Ellen.
"Ayy wala akong tyaga maghintay nang matagal, anyway kung enteresado sya pasyalan nalang nya ako sa bahay nang kaibigan ko!" mataray na wika ni Cathy. Tatayo na sya nang may nagsalita sa kanyang likuran..
"Masyado kanaman atang mainipin na ngayon Cathy!" bungad ni Nicole dito..
"At anu naman ang ginagawa mo dito pulubi?!" mataray na sagot ni Cathy..
"Ma'am hindi ho sya pulubi, sya po ang bumuli lahat nang alahas at sya din ho ang magpapahiram nang pera sainyo.."agaw naman ni Ms. Guttierez..
"I don't care, kung sya man basta para sa akin isa parin syang pulubi..!" tila wala sa sariling sagot ni Cathy..
"Huh! Ako ang pulubi at ikaw ang nakakaangat, wow ang kapal nang pagmumukha mo ha..!" angil ni Nicole dito, ang dalawa namang assistant ay nawewrduhan sa dalawa.
Sasampalin sana ni Cathy si Nicole nang, maagapan naman naman nang huli ang kamay nitu. Nagtayuan ang dalawang assistant.
"Nandito ako para sa tatlong bagay Cathy.." wika ni Nicole..
Pppaakk...
Isang sampal ang pinadapo ni Nicole sa kaliwang pisnge..
"Para yan sa Inang ko Cathy.." wika ni Nicole..
Hinawakan naman ni Ellen ang amo, ngunit hinawi ni Nicole ang kanyang kamay sa pagkakawak ni Ellen..
Pppaaakkkk...
Isa pang sampal ang pinakawalan ni Nicole sa kaliwa namang pisnge nitu.. Galit na galit si Cathy at hinila nya ang buhok ni Nicole.. Ngunit agad namang hinawakan ni Ms guttierez ang amo..
"Para sa Tatang ko yang sampal na yan.." wika pa ni Nicole.. At isang maliit na bote ang kinuha ni Nicole mula sa bag nitu..
"Naalala mo ba nang sabuyan mo ako nang asido? Eto yun.." di na natapos pa ang sasabihin ni Nicole, dahil mabilis na dinampot ni Cathy ang bag at tumakbo papalabas nang pintuan nang restaurant. Ngunit maagap na hinawakan ni srgt. Dela Vega ang babae..
"Ms. Punzalan sya ba ang nasa larawan?" tanong naman nang pulis. Maaring nanibago nga sila sa itsura ni Cathy ang lalim nang mata nitu at nangingitim na ang paligid na tila ba eyebag na napakalaki..
"Sya na nga srgt. Wala nang iba.." tugon naman ni Nicole.
"Ma'am anu hong ibig sabihin nitu,?" singgit naman ni Ellen. Di naman sinagot ni Nicole ang tanong nitu, bagkus hinarap si Cathy.
"Srgt. Pakihawakan yan malaki ang atraso nyan sakin noon sinabuyan nya ang mukha ko nang asido, ngayon ako naman ang gagawa noon para maramdaman mo kung ano ang pakiramdam nang ginawa mo sa'kin noon.." galit na wika ni Nicole..
Halos nagpupumiglas si Cathy sa dalawang pulis na may hawak.
"Bitawan nyo nga ako! Mga sira ulo ba kayo sasabuyan nya ang mukha ko nang asido, ilayo nyo ako sakanya..!" palahaw na sigaw ni Cathy. Ang mga naroon ay halos di makahinga sa mga nasasaksihan, pilit na sinisipa ni Cathy si Nicole palayo, ngunit hawak na ni Nicole ang bote at ilang sandali pa ay isinaboy nya iyon sa pagmumukha ni Cathy..
"Aaaaaahhhhhhhhh.... Walang hiya ka Nicole magbabayad ka..!!" galit na sigaw ni Cathy, ngunit tumawa naman si Nicole sa reaksyon ni Cathy..
"Hahahahahaha.. Kapag mga demonyo talaga, takot sa holy water.. Cathy dumilat ka, hindi ako kaseng sama nang ugali mo.. Holy water ang tinapon ko sa mukha mo, nang sa ganun mabawasan nang konte ang kasalanan mo.." nakatawang wika ni Nicole maging ang dalawang pulis ay natawa sa reaksyon ni Cathy, sobrang takot at nagtititili eto na tilaa may nasusunog sakanya..
"Sige na srgt. Dalhin nyo na yan sa bago nyang bahay.." wika ni Nicole..
Magkakasabay silang lumabas nang restaurant na iyon. dalawang sasakyan lang ang pagitang nang pulis car at nang sasakyan ni Cathy sa parking lot, kaya tinanaw pa nya muli si Cathy bago sana pumasok sa kanyang sasakyan.
Ngunit mabilis kumilos si Cathy, binunut nya ang baril na nasa bewang ng pulis at mabilis na pinaputok sa kinatatayuan ni Nicole.
Mabilis ang balang tumagos sa katawan, sa katawan ni Archie, mabilis na hinarang nitu ang katawan nang makita ang gagawin ni Cathy.. Sapol ang likod ni Archie nang balang kumawala sa baril na hawak ni Cathy. Payakap na bumalandra ang katawan ni Archie sa katawan ni Nicole. Sa bigat ni Archie pati si Nicole napabagsak sa sahig nang parking lot..
Kanina pa nakasunod si Archie kay Nicole, gusto nya etong macorner at makausap kaya hinayaan nalang nya na matapos ang pag-uusap sa loob nang restaurant, nang makalabas ang mga eto nagmasid sya sa mangyayari, nakita nya ang ginawa ni Cathy kay mabilis nyang dinaluhan ang katawan ni Nicole para saluhin ang bala na dapat ay kay Nicole tatama..
ITUTULOY...NEXT CHAP IS FINALE..