SHADOR’s POV Nataranta kaming bigla nang tumumba bigla si Chubby. Mabuti at malapit siya sa akin at nasalo ko siya. Nahawakan din siya ni Shadie. Hindi ko alam kung dala ng tawag ng pagkakataon ay mabilis ko lang itong nabuhat. Nasa may hagdanan na rin ang magulang niya kaya nakasama namin si Aling Lynda at si Mommy. Dinala ko siya sa nadadaanan naming hospital. Hindi ko ito kabisado kaya kung ano na lang ang alam ko. Baka na-high blood ito sa sobrang inis sa akin sa maghapon. Tinubuan ako bigla ng konsensya. Mahirap na may mangyari rito at ako talaga ang masisisi. Agad naman kaming inasikaso pagdating namin sa emergency area ng hospital. Wala pa ring malay si Chubby. Nang narito na sa hospital ay may katulong na akong magbuhat. Bakit kasi ang iksi ng palda nito kahit na sabihing may

