ANALYN’s POV Ikakasal na naman ako kay Shador. Okay na sa akin ang ganitong kasalan. Ayaw ko ng bongga. Ayaw kong maraming gastos. Ang mahalaga ay kikilalanin kami ng batas at tao bilang mag-asawa. Kung magpapakasal kami sa simbahan, pwede siguro kapag golden wedding anniversary na naming dalawa. Buo na ang isip ko kahit wala nang tanong-tanong pa. Sigurado na naman ako sa sarili ko na hindi ako hihingi ng annulment para sa pangalawang pagkakataon. Ikakasal akong muli at may baby na rin sa aking tiyan. Tila nauulit ang lahat pero mas maganda na ang sitwasyon ngayon. Masaya kaming dalawa ni Shador at okay ang pagbubuntis ko na malayung-malayo noong una. Sabay pa kaming naligo ng aking groom. Hanggang kanina ay nagpa-practice pa rin kaming dalawa nito. May mga binabago sa mga naunang gi

