ANALYN’s POV “Analyn, I love you!” hindi na ako nakapag-react dahil siniil ako ng halik ni Shador. Baka nagulat lang siya sa sinabi niya. Lahat naman ng gawin niya sa akin ay tinutugunan ko. Pero hindi ang sinabi niya. Maaring hinuhuli lang niya ako. Kinukulit niya ako lagi kung crush ko siya o di kaya ay sino ang crush ko? “Ibaba mo na ako, maligo na tayo.” Hindi ko siya matingnan dahil namumula ang aking mukha. “Ate, nandyan din ba si Kuya Shador?” tanong ni Junior. Mabuti at nakaraos na kaming dalawa. “Oo, sumabay na para mapadali kami sa pagkilos. Matatapos na kami.” Sumagot ako sa kapatid ko. Naramdaman ko na naman ang kamay nito sa katawan ko pero ngayon ay may hawak na siyang sabon at siya na nagpatuloy sa pagsasabon sa akin. “Bakit, may kailangan ka ba?” kinausap ko pa rin si

