SHADOR’s POV “Ate, nagpapasubo ka pa po kay Kuya?” nagtinginan pa ang dalawang nakababatang kapatid ng aking asawa pagkatapos nitong makita na sinubuan ko si Analyn. “Hindi siya nagpapasubo, ako ang may gusto na subuan siya.” Pagtatama ko bago pa ako sitahin ng sweetie pie ko. “Kumain ka na rin kasi, huwag mo na akong intindihin.” Ayan na, may sungit na naman ang tono niya pero okay lang iyon. Alam ko naman na pinagtatakpan lang niya ang kilig. “Kuya, ano bang gusto mong kainin? Huwag mong sabihin na peanut butter pa rin?” ani Junior. Hindi ko na itinama ang sinabi niya. Pero sumagot ako. “Oo, gusto kong peanut,” sagot ko kay Junior pero sa asawa ko ako nakatingin. Umiiwas siya ng tingin sa akin. “Favorite mo talaga iyon?” “Oo naman. Pinaka-favorite ko. Di ba, sweetie pie? Favo

