SHADOR’s POV Masarap ang naging tulog ko kagabi. Maaaring sa sobrang busog ko ito o dahil may nakita akong pag-asa na pwedeng pagsimulan. Naging pabor pa ang pagkausap nila nina Mommy at Daddy. Yung hindi ako ang una niyang sinabihan, dahil kung sa akin siya dumirekta baka hindi ako pumayag. Nakatulong ang pag-uusap namin ng parents ko. Ang alam ng asawa ko ay gusto ko ring lumaya, hindi! Hindi ko gusto na magkahiwalay kami dahil naniniwala ako sa tadhana. Tulad ng love story ng aking mga magulang. Hindi mangyayari ang lahat kung hindi ito ang itinadhana sa akin. Maaga pa naman kaya magpapawis muna ako, bago mag-ready papasok sa office. Papunta ako sa workout room pero need kong magdala ng water. Tahimik pa ang paligid dahil maaga pa. Ngunit pagdating ko malapit sa kitchen ay may

