ANALYN’s POV Lumipas ang ilang buwan at patapos na rin ang second semester. Napakabilis lang ng panahon. Hindi pa rin ako nabubuntis. Marahil ay hindi pa kasi ako lumiliit. Dahil pagod ako sa school ay nakakain na naman ako ng marami. Hindi na rin natuloy ang walking exercise namin ni Shador. Siya nagagawa pa niyang mag-gym. Habang nasa gym siya, ako naman ay natutulog. Hindi nga talaga ako papayat. Foundation sa school ngayong week at ito ang last day. Nag start pa siya noong Monday at everyday ay iba’t iba ang paandar nila. May beauty contest ngayong araw at mamayang gabi ito gagawin. Kaya maghapon at hanggang gabi kami sa school. Isa sa judges ang aking asawa. Kinuhang sponsor ang company nila at kinuha rin siya para maging host. Kilala ang Sophident at isa ito sa malakas nila

