SHADOR’s POV Kanina ko pa hinahanap ang papeles pero hindi ko makita talaga. Kasama ko ngayon ang aking asawa at siya ang tatanggap ng mga dokumento. Tinuturuan siya ng secretary ni Daddy na may edad na rin. Mabait naman si Mrs. Olalia kaya hindi ako nag-aalala. Wala kaming kaalam-alam ni Daddy na may nangyayari na pala sa labas. Ang saya ng usapan naming dalawa. Kahit madalas kaming magkita at magkausap sa telepono ay iba pa rin yung personal na usapan at one on one. Dahil kahapon lang ako muling nakapasok, pero magkasama naman kami ni Daddy sa Santa Monica ay tila matagal na kaming hindi nagka-kwentuhan. “Hi son!” bati nito sa akin nang biglang bumukas ang pinto. Siya ang iniluwa kaya naman nagulat ako. Busy ako sa mga dokumento na naka-tambak sa aking table. “Hello, Dad! Good m

