SHADOR’s POV May itinatanong sa akin si Analyn kanina na hindi ko na nasagot dahil biglang lumapit si Shadie. Narinig ko naman ang tanong. Mamaya ko na lang siya sasagutin. Natutuwa lang ako sa tanong ni Daddy kanina. “Son, blooming kayong dalawa. Don’t tell me, naka first base ka na?” gusto ko pa ngang humagalpak ng tawa dahil sa tanong ni Daddy. Nag-uusap pa lang kaming dalawa nasa first base na siya. “No Dad! Malayo pa po iyon.” “Aba, bilisan mo! Go for it and take the chance!” iba talaga ang Daddy ko, laging nagmamadali. Lumapit na ako sa aking asawa, baka makahalata na siya ang pinag-uusapan namin ni Daddy. Paglapit ko sa kanya ay hinawakan ko na siya sa kanyang bewang. Natutuwa ako sa kanya. Hindi niya magawang magreklamo dahil sa pinirmahan niya. At tama nga si Daddy, ito

