ANALYN’s POV Patungo kami ngayon ni Shador sa school na sinasabi niya. Sasamahan talaga niya ako. Akala ko noong una sina Mommy Sophie at Daddy Aki ang sasama sa akin dahil sila ang magpa-paaral sa akin. Bigla na lang naging si Shador. Baka Pinaki-usapan na rin siya dahil busy rin sina Mommy at Daddy. Maganda na rin ito para may bonding kaming dalawa. Marami rin siyang itinuturo sa akin at pagkatapos naming mag-enroll ay mamamasyal kaming dalawa. Hindi ko pa nga lang alam kung saan? Ang alam ko lang ay maraming pasyalan dito sa Manila. Nababasa at naririnig ko lang ang mga iyon noon. “Sweetie pie, ang lalim na naman ng iniisip mo?” untag nito sa akin. “Iniisip ko lang kung saan tayo mamamasyal mamaya. Alam mo na, laking probinsya ako kaya excited din ako na mapuntahan ‘yung mga si

