Tangerine's POV Pagkabukas ng pinto ay napayakap agad ako kay mama. "Bakit anak? Anong nangyari?" Natatarantang tanong naman ni mama. "Hindi lang kami okay ni Cib ma." Malumanay kong sagot at pumasok na sa loob. "Si Blue?" Tanong ko. "Tulog na. Napagod ata sa basketball." Tugon naman ni mama. "Ayos ka lang ba anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tumango lang ako. "Ayos lang ma. Magiging maayos din ang lahat ng ito. Sa ngayon... dito na muna ako." Saad ko. "Hay, ano bang pinag-awayan niyo at nag-alsa balutan kapa." Napailing na giit ni mama. "Kumain kana ba?" Dugtong pa niya. "Opo. Aakyat na ako sa taas at magpapahinga na po ako." Sambit ko at umakyat na sa taas at pumasok sa dating kwarto ko. Muli akong napabuntong hininga pagkahiga ko ng kama. Napabaluktot ako sa parang fet

