Cib's POV Lalong may kumurot sa puso ko nang masilayan ko ang mukha ni Tangerine. "Hi..." kaway niya sa amin habang nakangiti ng sobrang tamis. Kung sa normal lang na araw ay baka natuwa pa ako ng sobra dahil sa ganda ng ngiti na sumalubong sa akin pag-uwi. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi which makes her cheeks turn into pinkish one. Ang cute niya talaga. Ayokong mahalata niyang malungkot ako kaya naman pilit kong ikinubli ang bumabagabag sa akin at ngumiti na parang normal lang ang lahat ng kaganapan sa paligid ko. Dahil pareho na kaming mga pagod ay umorder nalang ulit kami ng makakain at syempre 'yong tatlong sampid sa bahay ang pinagbayad ko. Ewan ko ba at naisipan nilang tumira dito. Tangerine's POV Hangga't nandito sa bahay sina Jack, Matthias, at Laures ay daig

