Tangerine's POV Habang nasa byahe ako patungo kung saan si Cib ay tila lalong nadaragdagan ang kaba ko. Hindi ko na napansin na kanina pa pala pumapatak ang mga luha ko. Shit naman Cib! Sana okay ka lang. Wala na nga akong pakealam sa itsura ko eh. Basta makita lang kita na nasa mabuting kalagayan ay solve na ako doon. Gosh! Pagkarating ko sa restobar ay agad akong bumaba ng taxi at hindi ko na naisip pang mag-abot ng bayad sa driver dahil sa sobrang taranta ko. As I enter... Nakakapagtaka at walang tao ang loob ng bar. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag kung anong meron at hindi ko rin makita si Cib. Pero mas lalong tumindi ang kaba ko nang makita kong may kulay dilaw na nakapalibot dito. Dilaw na may nakasulat na caution. Siguro naman nai-imagine niyo ang sinasabi ko. Parang crime

