KABABATA 35

1043 Words
Cib's POV Maya maya din ay magsisimula ang audition for boy band group. Ang mapipili ay makakapasok sa competition na mismo. Supposedly mamayang gabi pa kami magsisimula but may sudden changes na naganap sa event. Habang nag-aantay ng oras ay busy yung iba sa kakatugtog ng instrument nila at kung anu-ano pa man habang kami ay nagkaupo lang at nag-aantay ng oras. Maraming nag-angas, nagyayabang, at tila gusto pa ata ng away. Tignan nalang natin mamaya kung talagang may ibubuga nga sila. Sa totoo lang ay kanina pa ako hindi mapakali sa phone ko. Bawat notification na natatanggap ko ay tinitignan ko kaagad and hoping na si Tangerine 'yon. Ang sabi niya sa akin ay mahina daw ang signal doon pero potek! Hindi ako mapakali at lalaki yung kasama niya doon. Sayang at wala siya dito. Gagalingan ko nalang para sa kanya at excited na din akong makuha yung prize na sinasabi niya. Ano kaya 'yon? Bahagya akong napangiti sa sulok ng sumagi sa isip ko 'yon. "CIB!" Suddenly naramdaman ko nalang may yumakap sa akin mula sa likuran. "Cathy? What are you doing here?" Hinarap ko siya at napakunot noo ako. "Ano bang tanong yan? Of course, I'm here to support you." She said tsaka pinulupot ang mga kamay niya sa braso ko. "Okay. Whatever." Tipid na sagot ko at inalis ang mga kamay nito sa braso ko. Ayoko ng maulit pa ang nangyari kaya mas mabuting iwasan ko na si Cathy. Ayokong ma-guilty nanaman ako. "Bakit? Anong problema?" Nagtatakang tanong niya. "Nothing. I just don't like it. May girlfriend na ako Cathy at mahal ko siya." Sambit ko at tila nagulat siya sa sinabi ko. Maging ako man ay nagulat sa salitang lumabas sa bibig ko. Ma--mahal ko siya. "It's okay. Wala namang masama sa ginagawa ko at wala naman siya rito." Giit niya at muling pumulupot sa braso ko. "Excuse me." Tumayo nalang ako at nagtungo sa banyo bago pa man ako mainis sa ginagawa niya. Maraming nakakakilala sa akin dito dahil sa viral video at alam nilang si Tangerine ang girlfriend ko kaya hindi magandang landiin niya ako lalo na in public. Tangerine's POV Hay, kainis! Bakit ba walang signal dito? Ngayong araw na yung audition nila Cib. Sana maka-send man lang ako kahit isang message. Ano bang klaseng lugar ito? Hmp! Kahapon pa kami dumating dito sa probinsya na sakop ng Cebu city. Parang ang layo na namin sa kabihasnan ngayon at nasa isla pa talaga kami. Nasa city kami kahapon at may meeting nga si Sir Zach sa isang bigating tao which is literal na mabigat joke. Syempre isang mayaman at kilalang tao dito sa Cebu na pwedeng maging investor ng company namin. At ngayon, andito na nga kami sa Isla at mukhang wala naman na siyang meeting. So ano pang ginagawa namin dito? Chilling out? Gosh! I wanna go home at miss ko na ang asawa ko! Choss. Medyo naka-akyat na ako ngayon ng puno dahil sa paghahanap ng signal. Kaya naman laking tuwa ko ng makita kong nag-sent yung isang message ko kay Cib. Long sweet message, etchos! Mahaba lang 'yon kasi nga sinasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin at wala ngang signal dito kaya bawal pabebe sa text at baka abutin pa ako ng isang taon dito bago ko masend lahat 'yon kung iisa-isahin ko pa. Napangisi ako kahit isa lang yung na-send. Pababa na ako ng puno ng biglang may naapakan akong marupok na sanga nito. "Huwaaaaahhh!" I shouted out. Hindi naman siya ganun ka taas pero nakakatakot parin dahil minsan na akong nahulog at walang sumalo. "Mag-ingat ka naman." Napadilat ako nang marinig ko ang boses niya. Shocks! Nasa bisig ako ni sir Zach. Sinalo niya ako. Kaagad naman akong tumayo at baka kung ano pa ang isipin ng mga taong nakakita sa amin. "Salamat." Sambit ko. Summer na summer ang dating niya ngayon at nakasuot pa ito ng mabulaklaking damit. Teka, parang-- Napatingin ako sa suot ko. Magkapareho nga kami ng suot. Sa labas ko lang ito binili. Siguro nagkataon lang na pareho kami ng outfit. Mukha tuloy kaming mag-jowa sa suot namin. "Tara! Sisid tayo sa dagat." Aya niya. "Naku sir, kayo nalang. Hindi ako marunong lumangoy." Tanggi ko. "Gusto mo turuan kita?" Napailing ako at tamad ako sa mga ganyan. Hindi ako madaling turuan lalo na kapag hindi ako interesado. "Bahala ka." Sambit niya tsaka naghubad ng damit pang-itaas. Napapikit  naman ako bigla. Naku, ayokong magtaksil sa asawa ko noh! Cib's POV Tapos na ang 1st round ng competition. Yes, nakapasok kami sa competition. Audition lang ang sinabi ko kay Tangerine kasi gusto ko nga sanang andito siya at live kaming mapanood sa competition. Alam ko namang papasa kami sa audition lols. Ngayon ay inaantay nalang namin yung result kung makakapasok ba kami sa top 15. Pagkabalik na pagkabalik namin sa pwesto ay yung phone ko agad yung tinignan ko. Bigla namang nawala ang kaba ko nang makita ko yung pangalan ni Dalanghita sa Inbox ko. Napangiti akong muli. Okay, inspired na ako! "Cib, have you seen my notes?" Tanong ni Laures. "Anong notes?" Nagtatakang tanong ko. "Yung nakapatong dito kanina. Kailangan ko 'yon at baka magkamali ako sa pagtugtog ng piano." Sabi niya at halatang kabado. "Relax lang bro." Tapik ni Jack dito. "Chocolate? Gusto mo?" Abot ni Matthias ng chocolate dito. "Hindi kaya may kumuha?" Sabi ulit ni Laures. Napatingin kami sa ibang grupo. They are so busy glaring and murmuring something. And I think kami ang pinag-uusapan nila at pinagtatawanan. "Just chill guys. Let's just ignore them." Sabi ko at tinapik yung tatlo para kumalma. Painit ng painit ang labanan at nagkakanakawan pa ng gamit. Mabuti nalang din pala at nandito si Cathy at kahit papaano ay may nakakapagbantay sa mga gamit naming naiwan habang nagpe-perform kami. Ngayon ay pasok na kami sa top 5. Limang grupo nalang kaming maglalaban then after nito ay dalawa nalang ang mapipili hanggang isa nalang. Hindi na namin maikubli ang kaba ngunit pinipilit naming mawala 'yon at i-enjoy ang bawat performance namin on stage. Mapapalabas ang competition na ito sa tv bukas ng hapon. Ano man ang magiging resulta nito ay pakiramdam ko masaya na kami at least nakapasok naman kami sa top 5 at nag-enjoy pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD