KABANATA 8

1109 Words
Cib's POV "Uy bro!" Bati nila sakin ng makita nila ako sabay fist bumped. "So guys, meet my... uhm girlfriend, Tangerine." Pagpapakilala ko kay Tangerine na aaminin kong nagdalawang isip akong banggitin yung salitang girlfriend sa harap nila since hindi naman talaga kami but okay na din. "And Tangerine, sila ang mga kaibigan ko. Si Matthias, Jack, and Laures." Inakbayan ko si Tangerine habang binabanggit ko isa-isa ang pangalan ng tatlong bugok na itlog.  "Uhm...Hi." weirdong bati nito sa tatlo na halatang naiilang. Tsk! By the way, saan kami? Nasa isang restobar kami ngayon na kung saan pagmamay-ari ng isa sa tatlong bugok. Which is Laures. Kaibigan ko na sila since highschool at dito rin sa restobar na'to kami nagsimulang kumanta at bumuo ng banda.  Tangerine's POV Restobar, yan nalang ang nabasa ko sa signage. Pagpasok palang namin parang iba yung atmosphere sa loob kesa sa inaasahan ko. Akala ko maingay yung tipong hindi kayo magkakarinigan, akala ko magulo at may taong nagsasayawan pero mali ako ng iniisip. Chill lang yung mga tao dito at may kanya kanya silang business. Tanging gitara, drums and any other music instruments tsaka yung boses ng vocalist ang nadidinig kong ingay which is a good thing for me dahil bet ko yung song. I love music though, kahit hindi ako love nito. Ouch! I'm 23 yet I admit na first time kong makapasok sa ganitong klaseng lugar which is iba sa perception ko. For me kasi, basta 'bar' hindi na kaaya-aya sa akin. Yung itsura ko ngayon parang tagabundok na ngayon lang nakaapak sa city.  Habang naglalakad kami papasok ay napatingin ako sa kamay kong hawak hawak parin ni Cib. Tila may kumiliti sa akin at may ngiting gustong kumawala sa labi ko. Gosh! Tangerine wag ka nga! You rented him, remember? And now here I am, smiling awkwardly sa tatlong poging nilalang na nasa harap ko ngayon na pinakilala sa akin ni Cib. May allergy nga pala ako sa pogi noh? Muntik ko ng makalimutan hehe ang harot kasi eh.  "Nice to meet you Cib's girlfriend." Ani nung  Matthias na kyut na kyut na kinakain nitong chocolate at parang bata kung kumain. "Kinagagalak kitang makilala." Ani naman ng mukhang babaerong si Jack sabay kindat sa akin at iniabot pa ang kamay nito para makipagkamay sa akin. Akmang kakamayan ko na sana ng biglang sumingit yung kamay ni Cib at siya nakipagshake hands kay Frank.  "Tol, gf ko na'to wag kana." Mahinang sabi ni Cib which is enough for me to hear. "Seloso naman nito masyado. Tinakas kalang ba nito Tangerine? I guess patulog kana. " Ani naman ni Jack. "Gago!" Cib's replied tsaka sila nagtawanan. Ano ba tinatawanan nila? Yung suot ko ba? Napatingin ako sa sarili ko. Oo nga...nakapantulog nga pala ako hays -.- "Welcome to my restobar Tangerine. I hope you'll enjoy." Nakangiting sabi naman nung Laures. What was again? 'My restobar' so sa kanya pala 'to. "So kompleto tayo. Can we?" Patanong na sabi ni Jack at honestly hindi ko alam kung anong sinasabi niya.  "Sure." They replied in chorus. Uhm hello? Andito pa ako oh. May tao pa -.- "Anong pinag-uusapan niyo?" Pabulong na sabi ko kay Cib. "Well..." he shrugged. He then hold my hand again tsaka kami naglakad palapit sa pwestong kaharap na mismo nung bandang kumakanta kanina pa. "Just sit back and relax." He said then gave me a wink. Ano ba sinasabi nito? Hays actually nahihiya na ako sa suot ko at pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. "Wag mo na silang pansinin okay? Just enjoy." Bulong ni Cib sa akin na siyang nagpatayo naman ng balbon ko sa buong katawan dahil sa init ng labi nitong dumampi sa tenga ko. Grabe naman 'to kung makabulong. Paglingon ko nakatalikod na siya sa akin at mukhang iiwan na ata ako dito ng mag-isa. Omg no!  "Wait!" I uttered at nahawakan ko ang dulo ng damit nito. Napalingon naman siya sa akin with a bakit-face. "Saan ka pupunta? Are you just going to leave me here? Alone?"  Tanong ko sa kanya which makes him almost laugh again. "No. Basta dito kalang at babalik ako." Ani nito tsaka tuluyan ng umalis. "Talaga lang ah! kasi ganyan din sinabi ni X pero hindi naman siya bumalik." Mahinang tugon ko nalang sa sarili ko then I pouted my lips.  Kung kelan nakapwesto na ako dito ng upo ay tsaka naman sila tumigil sa pagtugtog. Bastusan kyah? Joke. Syempre chill lang ako at baka break time lang nila. A few minutes later ay nagsimula ng magsilapitan sa akin yung mga waiter ng restobar at kanya kanya na silang nagsilapagan ng pagkain sa harapan ko.  I gulped. Nagutom ako bigla sa nakikita ko. Pero teka? Baka mali sila ng nabigyan at hindi pa naman ako umo-order. "Uhm excuse me? Are you sure na dito itong mga 'to? Hindi pa kasi ako umo-order eh." Marahang sabi ko dun sa huling waiter na naglagay ng pagkain sa mesa. "Opo ma'am. Kay sir Cris po galing lahat ng yan at bayad narin po. Enjoy po." Sagot naman nung waiter tsaka umalis? CRIS? Sino yun? Wala naman akong kakilala na Cris. Hindi kaya si Cib yun?  Nilibot ko ng tingin ang loob ng restobar ngunit bigo akong makita si Cib. Saan kaya nagpunta ang lalaking yun?  Natigilan ako sa paghahanap ng biglang may tumunog na galing mismo sa tyan ko. Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. I gulped again. Masamang tumanggi sa grasya diba? *tingin sa kanan, tingin sa kaliwa* LAFANG NA DIS! Gutom na ako.  Habang nasa kalagitnaan ako ng kasarapan sa pagkain ay muli akong nakarinig ng tugtog ng gitara. Napatingin ako sa harapan. Ayan na...mukhang kakanta nanaman sila.  "Good evening everyone. So tonight, we have a very unexpected guest which will surely complete your night. Ladies and Gentlemen, let's all welcome the FBOYS!" ani nung parang host tsaka naman naghiyawan yung mga tao sa paligid lalo na yung mga babae at syempre nakisabay na din ako sa hiyaw at palakpakan nila. Sino kaya yung Fboys at parang inaabangan ng lahat.  TADAH! Halos mabuwal na ako sa kinauupuan  ko ng makita mismo ng napakalinaw kong mga mata kung sino sila. Inayos ko pa ang salamin ko at baka namamalikmata lang ako. Pero hindi! Sila talaga eh. Si Cib lang naman yung nakita ko at yung tatlong pinakilala niya sa akin just awhile ago. So? Kumakanta siya? May banda siya? FBOYS? Yun ba pangalan ng banda nila? s**t na malagkit! Tunog F*ck Boys lang ah.  Wait! Parang naexcite naman akong marinig ang mga boses nila. Sana lang wag akong liparin sa pwesto ko at hindi pa ako tapos kumain. *gulp*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD