Tangerine's POV Sobrang saya namin kahapon dito sa loob ng bahay nang matanggap namin ang balitang may donor na ako pero lahat nang iyon ay napawi agad nang makatanggap ulit ako ngayon ng tawag at sinabing nag-back out daw 'yong donor ko. Tila muling bumigat nanaman ang kalooban ko dahil sa nangyari at ang sakit lang dahil umasa na akong matutuloy na 'yong operation. Back to zero again, kailangan nanaman naming maghanap ulit ng donor. Ang sabi ng Doctor ay kung wala pa din daw akong donor until next...next day ay wala na akong choice kundi mag-undergo ng chemotherapy bago pa man daw kumalat 'yong cancer sa katawan ko. At kapag nangyari 'yon, maaaring mawala nga ang anak namin ni Cib. "Diyos ko, tulungan niyo naman po ako." Nasabi ko nalang habang unti unti nanamang pumapatak ang mga lu

