"Ano ba ang nangyari? Ipaliwanag mo naman oh." Aniya. "Kaya nga ako naririto upang hilingin sayo ang mga bagay na maaring makatulong saakin upang may maalala sa kung anong mayroon saatin." "Sino ka ba sa buhay ko? Sabi mo'y matagal na tayong magkakilala." Dagdag ko kaya rin ito sinabi ni Sofia. Hindi siya agad sumagot. Hindi ko alam kung tama ba ang nababasa ko sakaniyang mata- siya ay nasasaktan. "Sabihin mo sakaniya na tumingin sa punong ito." Wika niya kay Sofia kaya ko rin ito tinignan. "Dito sa punong ito kami unang nagkita dahil tinulungan ko siya." "Paanong tulong? Bakit mo ako tinulungan?" Tanong ko. May mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na ito maintindihan dahil ang mga malabong imahe saaking isipan ay unti-unti ng nagiging malinaw. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pag

